KZ Tandingan umaming iniiyakan ang panglalait ng mga bashers | Bandera

KZ Tandingan umaming iniiyakan ang panglalait ng mga bashers

Ervin Santiago - May 27, 2017 - 12:10 AM

kz tandingan

INAMIN ng award-winning singer na si KZ Tandingan na meron pa rin siyang insecurities bilang performer, lalo na kung itsura at height ang pag-uusapan.

Sa nakaraang launching ng bagong album ni KZ, ang “Soul Supremacy” under Star Music, tinanong namin siya kung may mga weakness or insecurities pa rin siya sa kabila ng kanyang kasikatan.

“Off stage siyempre naman po meron pa rin pero tina-try mong i-battle yun one day at a time. Kasi siyempre ang dami-dami mong nakikitang…sana ganu’n kahaba yung legs ko, sana ganyan ako kaputi.

Kaya kapag nakikita ko si Liza Soberano, sinasabi ko sa kanya, ‘lahat na lang, lahat na lang nasa iyo na!’

“Kumbaga meron pa rin, pero tinatry mo palaging i-accept kasi that’s who you are as a person. And it makes you unique, it makes who you are and kilala ako ng mga tao na pandak na Bisaya na kapag kumanta parang luka-luka lang, tanggap ko na yun.

“Ayun siguro meron pa ring ganu’n pero compared dati hindi na siya ganun kabigat sa akin na umiiyak ako na hindi ako bagay sa showbiz news, hindi ako bagay kasi ang liit ko,” ani KZ.

So, may mga moments talaga na naiiyak ka? Yes po. Lalo na po pag halimbawa like ASAP performance-wise, feeling ko after, kuya parang ang ganda ng prod namin parang ang saya, parang perfect lahat ng harmonies namin tapos pagbaba ko ng stage, pag nagbukas ako ng phone, ang dami kong bashers dahil sa itsura ko, dahil pandak ako, dahil hindi ko kamukha yung mga tao na normal nilang nakikita sa telebisyon.

“Kumbaga ngayon ko na lang parang natatanggap na you can’t please everybody.

“Sobrang tagal na yan na saying pero kung ia-apply mo sa sarili mo nahihirapan ka kasi as a person gusto mong masaya ang mga tao sa ‘yo pero since we are people who are always in front of the camera nakikita ka ng lahat ng tao, meron at meron talaga silang makikita sayo.

“Iniisip ko na lang I am doing this for the people who really believe in me and kung ano man yung nakikita nila sa akin, ako yun eh. So bahala sila hindi po sila yung nagpapakain sa akin,” aniya pa.

Tinanong din namin si KZ kung may plano rin ba siyang maging artista? “Lahat po ng paraan na pwedeng kumita papatulan ko po yun. Hahahaha! Pero hindi seryoso po.

“Siguro mga a year ago nag-undergo ako ng mga ac-ting workshop kasama yung iba pang Star Magic artist and na-appreciate ko yung acting as an art and I hope mabigyan po ako ng pagkakataon.

“Kasi I’d love to try acting pero siyempre music pa din po yung ano ko. Pero yun nga every chance, kailangan ko i-grab kasi hindi naman po lahat ng chance na binibigay sayo babalik. At least hindi naman ako magsisi na hindi ko ginawa yun,” aniya pa.

q q q

Samantala, balik-recording na nga si KZ para sa kanyang pinakahihintay na ikalawang album, ang “Soul Supremacy” mula sa Star Music.

Sinusundan ng bagong compilation na ito ang tagumpay ng kanyang recent milestone – ang kanyang unang digital concert na may parehong titulo na “Soul Supremacy” na ginanap noong April 23.

May 11 bagong awitin sa album ni KZ at tatlong bonus tracks bilang sorpresa sa mga fans na sabik na naghihintay sa latest offering ng ASAP Soul Sessionista.

Tulad sa kanyang unang album, ang OPM soul singer ay sumulat din ng mga awitin dito tulad ng “Intro Lude” at “Halik Na Lang” na nilapatan niya rin ng musika.

Nasa album din ng X Factor Philippines season 1 winner ang “Labo” mula kay Jungee Marcelo, “Nag-iisa Na Naman” ni Kiko Salazar, “Dapithapon” ni Rox Santos at “Imposible” mula kay Gabriel Tagadtad.

Ang mga tracks na “Afraid” ni KidWolf, “With You” ni Shorya Sharma, “Siya’y Darating” ni Edwin Marollano, “Sayang” ni Arlen Mandangan at “Sa AKing Mga Kamay” ni Aristotle Pollisco ay bahagi rin ng bagong album.

Kabilang sa bonus tracks ang kantang “Sayo,” ang Tagalog version ng “With You” na isinulat ni Jonathan Manalo at ang hit song na “Mahal Ko o Mahal Ako” mula naman kay Edwin Marollano na siyang nagwagi sa “Himig Handog P-Pop Love Songs 2014.”

Mapapakinggan din sa album ang bonus track na “Ikaw at Ako Pa Rin” mula sa Polyeast Records. Ito ang duet ni KZ at ng kanyang boyfriend, ang singer-songwriter na si TJ Monterde.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “Soul Supremacy” ay ipinrodyus nina Malou Santos at Roxy Liquigan with Jonathan Manalo as over-all album producer. Ito ay mabibili na sa lahat ng digital stores nationwide. Malapit na rin itong mabili sa lahat ng record bars.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Starmusic.ph o sundan ang official social media accounts ng Star Music sa Facebook.com/starmusicph, Twitter.com/starrecordsph at Instagram.com/Starmusicph.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending