Angel, Jane, Dimples iyakan showdown sa MMK | Bandera

Angel, Jane, Dimples iyakan showdown sa MMK

Ervin Santiago - May 25, 2017 - 12:30 AM

dimples jane angel

SA part 2 ng Mother’s Day presentation ng Maalaala Mo Kaya ni Charo Santos ngayong Sabado ng gabi, matutunghayan ang makabagbag-damdaming kuwento ng buhay ng magkapatid na Samina (Angel Locsin) at Aisah (Jane Oineza).

Last Saturday, napanood ang pangungulila ni Teresa (Dimples Romana) sa kanyang bunsong anak na bigla na lang nawala at inakalang nabiktima ng mga kidnapper. Ginawa niya ang lahat para mahanap ang bata ngunit nabigo siya.

Lingid sa kaalaman ni Teresa at ng kanyang asawa, napunta ang kanilang anak kay Samina (Angel) at dinala sa kanilang probinsya sa Lanao.

Bata pa lang si Samina ay may kalulitan na, palagi niyang idinadamay sa problema ang nakababatang kapatid na si Aisah (Jane) kaya lagi silang napapagalitan ng kanilang mga magulang na ginagawa ang lahat para mabigyan sila ng magandang kinabukasan.

Pangarap ni Aisah na makatapos ng pag-aaral at mabigyan ng mas magandang buhay ang kanyang pamilya samantalang bulakbol naman si Samina at walang alam gawin kundi ang suwayin ang mga utos ng kanilang mga magulang. Ngunit sa kabila nito, lumaki silang magkakampi sa lahat ng laban at pagsubok.

Lumipas ang maraming taon, nagkaroon sila ng sarili nilang mga pamilya. Kasama ang kanyang limang anak, nagtungo sa ibang bayan ng Lanao si Aisah habang napadpad naman sa Divisoria si Samina bilang tindera.

Aksidenteng nagkita ang magkapatid sa Lanao. Ayon kay Samina, hinihintay niya ang nanay ng batang napulot niya sa Maynila para isauli, at habang magkasama sila, dumating ang mga pulis at agad silang inaresto dahil sa kasong kidnapping for ransom.
Ano ang magiging buhay ng magkapatid sa loob ng kulungan at paano nila tatanggapin ang sintensiyang habangbuhay na pagkabilanggo, lalo na si Aisah na nadamay lang sa kaso ni Samina?

Makakasama rin nina Angel, Jane at Dimples sa espesyal na MMK episode na ito sa Sabado (after The Voice Teens) sina Yñigo Delen, Raine Salamante, Yesha Camile, Karen Timbol, JM Gacayan, Miguel Vergara, Alex Medina, Nikka Valencia at Mara Lopez, sa direksyon ni Nuel Naval at sa panulat nina Benson Logronio at Arah Jell Badayos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending