Ex-military sa Gabinete pangontra sa kurakot | Bandera

Ex-military sa Gabinete pangontra sa kurakot

Jake Maderazo - May 22, 2017 - 12:15 AM

SI retired general Danilo Lim ang bagong hirang na MMDA Chairman ni Pres. Duterte. Pang-14 siyang dating militar na itinalaga sa sensitibong pwesto sa administrasyong Duterte.
Nauna sa kanya sina National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., OP Undersecretary Emmanuel Bautista, National Irrigation Administration chief Ricardo Visaya, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Philippine Charity Sweepstakes Office General manager Alexander Balutan, Natinal Food Authority administrator Jason Aquino, NDDRMC executive director Ricardo Jalad, Customs Commissioner Nicanor Faeldon, Environment Secretary Roy Cimatu, Land Transportation Office chief Edgar Galvante, PNR Chief Roberto Lastimoso, Light Rail Transportation Administration Gen. Manager Reynaldo Berroya at papasok na Interior Secretary at kasalukuyang AFP chief of staff Eduardo Año.
Sabi ng mga kritiko, “creeping militarization” daw ang nangyayari lalo pa’t karamihan sa mga militar na ito’y sangkot sa human rights violations at iba pang kaso.
Sabi naman ng ilang senador, hindi raw balanse ang komposisyon ng Gabinete sa mga makakaliwa, centrists at rightists .
Kung ako ang tatanu-ngin, tinatandaan ko ang pangako ni Duterte na susugpuin niya ang crime, drugs at corruption. Kaya naman totohanang disiplina, kundi man kamay na bakal, ang kailangan ng mga heads of agencies.
Tulad ng oil, rice at cigarette smuggling sa Customs, jueteng sa PCSO, bilyong pisong komisyon sa rice importation sa NFA, mga ghost projects sa NIA , tong collection,colorum at mga kontrata sa lisensya sa LTO, DILG-BJMP na may sakop sa mga overloaded na provincial at local jails na pugad ng droga at katiwalian.
Nasubukan na ang mga civilians dito, pero ang masakit, yumaman, nagsamantala sa pwesto o kaya’y ginamit silang gatasan ng pulitika at di naman nalutas ang mga problema.
Mawawala na ba ang oil, rice at cigarette smuggling sa liderato ni Col.Faeldon sa Customs? Noong Enero, nag-overshoot sa monthly target sa kauna-unahang pagkakataon ang Customs ng P200 milyon. Takot na ba ang mga smuggler?
Sa PCSO, P4.7 bilyon ang ini-remit na pera ng mga small town lottery, kahit higit P100 bilyon ang dapat taun-taon. Magbabago ba ang P4.7 bilyon o konti lang para tuloy ang delihensya?
Ang NFA baon sa P157 bilyong utang dahil sa importasyon ng bigas pero matindi ang kita ng mga “komisyoner” dito. Sa NIA, garapalan ang mga ‘ghost irrigation projects” lalo na sa mga lugar na sinalanta ng bagyo at lindol.
Maging sa DILG katulad ng overpriced firetrucks ng Bureau of Fire Protection at illegal drug trade sa mga provincial at city jails ng BJMP. Bukod pa sa mga pulis, barangay captain, mayor, kongresista at gobernador na sangkot sa illegal drugs na dapat disiplinahin ng DILG.
Dagdag pa natin ang mga illegal at mapaminsalang miners sa DENR.
Kung masisilaw sa kwarta ang mga sundalong nakapwesto rito, taliwas ito sa patakaran ni Digong. Maiba kaya nga-yon? Masisilaw ba ang mga dating militar na ito kahit sila’y nabulgar sa mga pabaon sa nakaraang administrasyon sa AFP at PNP?
Tutulad ba sila sa mga naunang military appointees na nasilaw sa pera at kapangyarihan sa ilalim ng Cory, Ramos, Erap, PGMA, at PNoy administrations?
Sa akin, hindi militarisasyon ang mahalagang isyu, ang kailangan ay masugpo ang mga katiwalian sa mga kurakot na tanggapan ng gobyerno. Kung totoo ang sabi ni Digong na ayaw niya ng “corruption”, dapat sumunod ang mga dating military na ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending