Marine Lt. Col. Marcelino laya ulit, handa pa rin sumabak sa anti-drug ops | Bandera

Marine Lt. Col. Marcelino laya ulit, handa pa rin sumabak sa anti-drug ops

John Roson - May 18, 2017 - 07:05 PM
Ferdinand-Marcelino Nakahanda pa ring sumali si Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino sa operasyon kontra iligal na droga matapos muling makalaya sa pagkakakulong na bunsod ng kanyang pagsabak sa mga ganoong trabaho. Nilabas si Marcelino sa AFP custodial center ng Camp Aguinaldo dakong alas-5 ng hapon Huwebes, matapos iutos ng Manila Regional Trial Court Branch 49 na palayain ang Marine officer at ang kasama niyang Chinese national na si Yan Yi Shou. Dinala ni Public Attorney’s Office chief Persida Rueda Acosta at ilang kaibigan ni Marcelino ang release order sa AFP public affairs office at doon hinintay ang Marine officer. Nang tanungin kung anong susunod niyang gagawin matapos muling makalaya, sinabi ni Marcelino na siya’y “overwhelmed” pa sa muling paglaya at bilang sundalo’y aantayin muna niya ang utos ng AFP. Pero nagpahayag din si Marcelino ng kahandaan na muling sumali sa operasyon kontra iligal na droga, lalo na kung uutusan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte. “The President is my commander-in-chief, so who am I to refuse him?” ani Marcelino. Matatandaan na kusang sumuko si Marcelino sa AFP Provost Marshall’s Office nitong Enero 3, matapos iutos ng isa pang korte sa Maynila na siya’y arestuhin. Bago iyo’y nakalaya na si Marcelino matapos magpiyansa, makaraang madakip ng mga pulis at tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency kasama si Shou sa isang shabu laboratory sa Sta. Cruz, Maynila, noong Enero 21, 2016. Nakuha sa laboratoryo ang mahigit P300 milyon halaga ng shabu at mga kemikal at kagamitang panggawa ng iligal na droga, pero ikinatwiran ni Marcelino na nagtungo siya at si Shou doon para din i-monitor ang pasilidad at mga nagpapatakbo nito.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending