Monthly contribution sa SSS itataas | Bandera

Monthly contribution sa SSS itataas

Liza Soriano - May 17, 2017 - 12:10 AM

DEAR Ma’am,

Magandang araw po. Voluntary paying member po ako ng SSS at ang monthly contribution ko po ay P330. Ngayong 2017 ay nahulugan ko na ‘yung January to March. Sabi po ng taga-SSS, simula sa month of May ay magiging P660 month na ang magiging contribution ko. Tama ba ‘yung sinabi niya sa akin?

Paki-clarify lang po.

Umaasa po ako sa inyong mabilis na pagtugon.

Marami pong salamat.

Dennis B. Caputol

REPLY: Ito ay bilang tugon sa email ni G. Dennis B. Caputol tungkol sa aniya’y mas mataas na halaga ng kontribusyon sa Mayo 2017.

Hindi po nabanggit ni G. Caputol ang kanyang SSS number kaya hindi po namin maberipika ang kanyang rekord.

Gayunpaman, ipinababatid po namin na wala pa pong ipinapatupad na contribution hike ang SSS sa ngayon. Nananatili pa rin po na 11% ang contribution rate ng SSS (P110 ang minimum contribution at ang maximum naman ay P1,760). Kung magkakaroon man ng pagtaas ay ipapaalam po ito sa lahat ng miyembro sa pamamagitan ng mga anunsyo sa aming mga branches at pati na rin sa pamamagitan ng media.

Samantala, ayon po sa SS Circular No. 2015-007, ang mga self-employed, voluntary at Overseas Filipino Worker (OFW) members na may edad na hindi pa aabot sa 55 taong gulang ay maaaring magtaas at magbaba ng halaga ng kanilang kontribusyon nang ilang beses sa loob ng isang taon.

Kung si G. Caputol ay hindi pa aabot sa edad na 55 taong gulang, maaari po niyang ipagpatuloy ang pagbabayad ng kontribusyon sa bracket na P330 kada buwan. Maaari din naman niya itong taasan sa halagang P660 o higit pa na buwanang kontribsyon upang mas malaki ang halaga ng benepisyo o pribilehiyo  na maaari niyang makuha pagdating ng panahon.

Para po sa katanungan ng ating mga miyembro, maaari din po silang mag-email sa [email protected] o tumawag sa callcenter 920-6446 hanggang 55.

Sana ay aming nabigyang linaw ang inyong katanungan.

Salamat po.
Sumasainyo,
L Francisco
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs
Department

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?   Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City  o kaya ay mag-email  sa  [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran  sa abot ng  aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ  990AM sa  Programang Let’s Talk;  Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7  hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng  Bayan tuwing  Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending