HYPERTENSION Awareness Month ngayong Mayo kaya naman nagpaalala ang Department of Health (DOH) kamakailan na dapat bantayan natin ang altapresyon o high blood pressure. Tinatawag kasi ang altapresyon na ‘silent killer’ dahil hindi mo agad mapapansin ang mga sintomas nito. Ayon sa DOH, umaabot sa 12 milyong Pinoy ang ‘hypertensive’ o mataas ang presyon ng dugo at kalahati rito ay “walking time bombs” na maaaring padaig sa atake sa puso o stroke dahil hindi nila alam ang kanilang kondisyon.
Ang hypertension din ang pangunahing nagdudulot sa maagang kamatayan sa bansa kung saan umaabot sa 200,000 ang namamatay kada taon ayon sa DOH.
Narito ang ilan pang impormasyon na dapat mong malaman tungkol sa hypertension o altapresyon.
Ano ang Hypertension o High Blood Pressure?
Ang hypertension o high blood pressure (altapresyon) ay isa sa mga pinaka karaniwang cardiovascular disease o sakit na nakakaapekto sa sistemang sirkulatoryo ng katawan.
Ang blood pressure ay ang puwersa ng dugo na tumutulak sa iyong ugat habang dumadaan ito sa iyong katawan. Tulad ng hangin sa gulong o tubig sa hose, ang dugo ay dumadaloy sa mga ugat ng katawan at ang pagkakaroon ng altapresyon ay nakakasira ng mga ugat na humahantong sa mapanganib na karamdaman tulad ng sakit sa puso, stroke at maging sakit sa bato (kidney).
Ano ang sanhi ng hypertension?
Hindi pa batid ang eksaktong sanhi ng altapresyon o high blood pressure subalit marami nang kadahilanan at mga kondisyon na pinagsisi-mulan nito at kabilang dito ang:
- Paninigarilyo
- Labis ang timbang o sobrang taba (overweight o obese)
- Kawalan ng pisikal na aktibidad
- Labis na asin o alat sa pagkain
- Sobrang pag-inom ng alkohol (mahigit 1 o 2 inumin kada araw)
- Tensyon (stress)
- Pagtanda
- Genetiko
- Kasaysayan ng altapresyon sa pamilya
- Chronic kidney disease
- Adrenal at thyroid disorders
- Paghihilik sa pagtulog (sleep apnea)
Mga sintomas ng hypertension
ANG blood pressure ng tao ang unang tini-tingnan para malaman kung may altapresyon o hypertensive ka na. Kapag ang iyong BP (base sa systolic at diastolic pressure) ay umakyat sa 140/90 o higit pa mayroon ka ng altapresyon o high blood pressure.
Kung ang iyong BP ay umangat naman sa 180/110 o mas mataas kailangan mo na agad ang medikal na atensyon.
May pre-hypertension ka naman kung ang BP mo ay nasa 120/80. Ang prehypertension ay maaari namang magpataas ng tsansa ng pagkasira ng ugat, puso, utak at kidney.
- Kapag sobrang mataas ang iyong blood pressure, ito ang ilan sa mga sintomas na dapat mong bantayan:
- Matinding sakit ng ulo
- Pagkapagod o kalituhan
- Problema sa paningin
- Sakit sa dibdib
- Nahihirapan sa paghinga
- Iregular na pagtibok
- Dugo sa ihi
- Pagbayong pakiramdam sa dibdib, leeg o tainga
Kapag meron ka nang mga nasabing sintomas dapat magpatingin na agad sa doktor. Malamang kasi na nasa hypertensive crisis ka na at posibleng humantong ito sa heart attack o stroke.
Ang hindi paggagamot sa hypertension ay naghahatid din sa mas seryosong sakit tulad ng stroke, sakit sa puso, kidney failure at problema sa mata.
Paano maiiwasan ang hypertension?
Maliban sa regular na pagpapa-check up ng blood pressure, isa sa kritikal na paraan para labanan ang altapresyon ay ang malusog na pamumuhay. Maaari mong mapababa ang iyong blood pressure sa pagsasagawa ng pagbabago sa iyong pamumuhay:
- Pagbabawas ng timbang kapag ikaw ay overweight o obese
- Hindi paninigarilyo
- Kumain ng masustansiyang pagkain
- Pagbabawas ng sodium sa diet
- Pagkakaroon ng regular na aerobic exercise (tulad ng brisk walking na aabot sa 30 minuto kada
- araw, maraming beses kada linggo)
- Paglilimita sa pag-inom ng alkohol sa dalawa kada araw para sa kalala-kihan at isa kada araw para sa mga kababaihan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.