Libro ni Ogie Diaz malaking tulong sa mga may breast cancer | Bandera

Libro ni Ogie Diaz malaking tulong sa mga may breast cancer

Ronnie Carrasco III - May 15, 2017 - 12:15 AM

ogie diaz

BAGONG landas ang tinatahak ngayon ng actor-talent manager na si Ogie Diaz: ang pagsusulat ng libro.

As of this writing ay wala pang pamagat ang kanyang 128-pahinang aklat na may subtitle na “Every gising is a blessing” na mantra rin niya sa pang-araw-araw na pakikibaka sa buhay, “’Yan naman ang pinauso kong motto. Ginigising tayo ni Lord dahil may misyon tayo.”

Ang lahat ng kabanata sa kanyang libro whose cover bears his caricature ay siksik sa mga makukulay niyang karanasan sa iba’t ibang uri ng tao, kabilang ang maraming artistang nakasalamuha’t nakasama ni Ogie mula’t sapul, “Pero ang pinaka-favorite chapter ko ay ang tungkol sa nanay at mag-iina ko.”

Long-cherished dream para kay Ogie—Roger Pandaan sa tunay na buhay—ang makapagsulat ng libro, “First of all, noon ko pa ilusyon sumulat ng libro. Kasi, nu’ng araw, panakaw lang akong nagbabasa sa National Bookstore, Alemar’s, Merriam Webster at Corona Bookstore. ‘Yung Goodwill Bookstore lang ang hindi ko napuntahan, dahil first attempt ko pa lang buklatin ang libro ay sinita na ako ng guwardiya, kaya sa iba na lang ako nakikibuklat.”

Needless to say, ang background ni Ogie sa entertainment writing ang armas niya bago siya pumalaot sa pag-arte and later on sa talent management, “Sabi ko, why not? Marunong naman akong magsulat at magkuwento. ‘Yung pagiging bangka ko sa mga kuwentuhan, ba’t hindi ko isalin sa libro? Saka ang daming naaaliw sa mga ipino-post ko sa Facebook, kaya sila rin naman ang nagtulak to write a book.”

Pero hindi naging madali ang paggawa ng isang self-penned book, “Sa totoo lang, ang pinakamahirap, eh, kung paano aayusin ‘yung mga istorya ko. Sinimulan ko ito noon pang 2011 at ngayong 2017 lang matutupad! At least, bago man lang ako rayumahin, nagawa ko na ang ilusyon ko to publish my own book.”

His book would not have turned into a reality kung hindi dahil kay Pio Mallari na nagdisenyo ng pabalat at kay Maita Martinez na nag-asikaso naman ng mga publishing requirements.

There’s more to Ogie’s book than meets the eye. Sa isang worthy cause kasi nakaangkla ang kanyang aklat. Isa kasi si Ogie sa nakaupong board of trustees ng Philippine Foundation for Breast Care, Inc. at aktibong miyembro sa loob nang walong taon.

“Nag-iisip kasi ako ng puwedeng pagkunan namin ng funds para sa mga breast cancer patients at survivors. Ang nakakalungkot, dumarami ang bilang ng mga pasyente, pero hindi ang mga donasyon. Kaya kung bibili ka ng libro ko (priced at P199), nakatulong ka na rin sa kanila,” aniya.

End of July ang target release ng libro na may pangakong hatid sa sinumang makakabasa nito, “I promise hindi ito boring. May wit na, may humor pa.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending