DA who ang isang halal na opisyal ng pamahalaan na walang ginawa kundi bumiyahe at bumuntot sa kanyang mister na miyembro ng Gabinete tuwing magbibiyahe ito sa ibang bansa?
Usap-usapan ngayon ang pulitiko na puro junket ang ginagawa at napapabayaan na ang kanyang mga nasasakupan.
Hindi kaya naisip ng opisyal na hinalal siya sa kanyang lugar para maglingkod at magbigay ng serbisyo, hindi para bumontot lamang sa kanyang asawa.
Bukod sa laging kasama ang kanyang asawa sa lahat ng biyahe ni Pangulong Duterte, may bukod na biyahe pa rin ang opisyal dahil sa posisyon sa Gabinete. Nangangahulugan ito na kasama ang pulitiko sa lahat ng biyahe ng kanyang asawa, dahilan para maetsapuwera na ang kanyang mga constituents.
Alam kaya ng mga constituents ng pulitiko na puro junket ang ginagawa ng kanilang mahal na pinuno?
Gusto n’yo ba ng clue? Ngayon nga kasama na naman ang opisyal sa biyahe ng pangulo dahil kasama ang kanyang asawa.
Mula Cambodia at Hong Kong, tumulak din ang opisyal kasama ng kanyang asawa pa China kung saan naroon din ang Pangulo para sa isang official visit.
Sino kaya ang nagbabayad ng ginagastos ng opisyal? Sagot kaya ito ng gobyerno?
Hindi kaya naisip ng opisyal na magbago na lang ng career at mag-full time na lang para sa kanyang asawa nang hindi naman agrabiyado ang mga bumoto sa kanya?
Ano kaya ang idinideklara ng opisyal tuwing nag-a-out-of-the country dahil imposible namang official visit ito dahil wala namang pakinabang ang kanyag lugar na nasasakupan.
Magiging busy lalo ang asawang opisyal dahil sa kanyang posisyon na kinakailangang bumiyahe sa iba’t ibang mga bansa kayat malamang ay buntot pa rin ang opisyal.
Tsk tsk tsk. Kawawa naman ang kanyang mga constituents.
Tagasaan ang opisyal na ito na mahilig mag-junket? Hulaan n’yo na lang.
Basta ang clue, halal din na opisyal ang kanyang asawa bago naging miyembro ng Gabinete ni Pangulong Duterte.
‘Yun na!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.