Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 3.2 ang Sarangani kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-12:43 ng umaga.
Ang sentro nito ay 26 kilometro sa kanluran ng Maasim. May lalim itong 16 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Nagdulot ito ng Intensity I paggalaw sa Sarangani, Davao Occidental at General Santos City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending