Impeach Robredo pinag-aaralan pa ni Speaker kung may sustansya | Bandera

Impeach Robredo pinag-aaralan pa ni Speaker kung may sustansya

Leifbilly Begas - May 09, 2017 - 03:40 PM
robredo-0511-620x349 Pinag-aaralan pa ni House Speaker Pantaleon Alvarez kung ieendorso ang mga impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo.     Sa panayam kahapon, sinabi ni Alvarez na ayaw niya na magsampa ng ampaw na reklamo.     “Ayaw ko naman na tira tayo ng tira tapos wala namang substance, kaya pinag aaralan pa natin,” ani Alvarez sa panayam. “Kagaya ng sinabi ko doon if there is substance and it can definitely stand in an impeachment trial pwedeng i-consider.”     Ipinadala sa tanggapan ni Alvarez ang impeachment complaint na inihain ni Atty. Oliver Lozano at ang ginawa ng Impeach Leni Movement.     Parehong walang endorser ang mga reklamo kaya hindi ito tatanggapin ng Secretary General ng Kamara de Representantes sakaling inihain.     Kailangan ng one-third ng 293 miyembro ng Kamara o 98 na kongresista para ma-impeach ang isang opisyal at sumailalim sa pagdinig ng Senado na magsisilbing impeachment court.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending