Richard Reynoso hindi rin natuwa sa pagkanta ni Daniel sa 2017 Bb.Pilipinas
PINANINDIGAN ng balladeer na si Richard Reynoso ang kanyang pagpuna sa ipinamalas na performance ni Daniel Padilla sa coronation night ng Bb. Pilipinas.
Kung tutuusin ay hindi pa nga ang wala sa tonong pagkanta ng young singer-actor ang kanyang sinentruhan kundi ang pagbabago na ng istilo ngayon ng Bb. Pilipinas Charities sa pagpapatakbo ng beauty pageant.
Puwede na raw pala basta kumanta na lang ang serenader na parang gagawin na lang na background ang mga kandidata. Hindi na rin daw pala masyadong importante ngayon kung maganda ang boses ng serenader.
Pero siyempre’y hindi masaya ang magaling na singer sa kanyang napanood habang kumakanta si Daniel, naisip niyang bigla ang mga labanan sa iba-ibang bansa na pinaghaharian ng mga Pinoy singers, ano na lang daw ang sasabihin ng iba kung ganyan na wala sa tono ang pagkanta ni Daniel?
“Inaasahan ko nang magagalit sa akin ang mga fans ni Daniel, that’s more than expected na, actually, dahil mga fanatics nga sila. Pero kailangan nating magpakatotoo, mas matutulungan natin ang performer kapag nalalaman niya ang mga flaws niya.
“Hindi ‘yun pamimintas, reaction ‘yun, constructive criticism. Hindi lang naman ako ang nakapansin, halos buong bayan naman,” maayos na paliwanag ng magaling na singer.
Totoo naman ang kanyang sinabi. Kung ang mga wala ngang tenga sa larangan ng musika ay nakapansin sa wala sa tonong pagkanta ni Daniel Padilla ay siya pa ba namang marami nang napatunayan sa mundo ng musika ang hindi makakapansin nu’n?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.