Palarong Pambansa baseball champ sasabak sa Little League | Bandera

Palarong Pambansa baseball champ sasabak sa Little League

Angelito Oredo - May 01, 2017 - 11:10 PM

MAY karagdagang insentibo na nakamit ang Northern Mindanao sa pagwagi ng gintong medalya sa elementary boys baseball division ng 2017 Palarong Pambansa sa San Jose de Buenavista, Antique.

Nakamit din ng koponan ang  karapatan na irepresenta ang Pilipinas sa Little League Asia-Pacific regional tournament.

Sinabi ni Palarong Pambansa baseball tournament manager Ismael Veloso na una nang itinakda ang pagbibigay ng insentibo kada taon sa tatanghaling kampeon sa nasabing event base sa desisyon ng Little League Philippines.

Nagawang biguin ng Northern Mindanao ang Central Luzon, 16-6, para iuwi ang ginto sa torneo na itinakda ng Little League Philippines bilang qualifier nito sa Intermediate 50/70 Baseball Asia-Pacific tournament na gaganapin sa South Korea.

Makakatapat ng Northern Mindanao ang mga tinanghal na kapwa national champion sa buong rehiyon upang paglabanan ang silya sa World Series para sa 13-under category.

Nauna nang tinalo ng Northern Mindanao ang Eastern Visayas, 4-0, Ilocos, 2-0, at Central Luzon, 2-1, sa eliminasyon bago pinalasap ng kabiguan ang Mimaropa sa quarterfinals, 11-1, at Calabarzon sa semifinals, 8-3.

Kukumpletuhin naman ng bagong kampeon sa Palaro ang mga koponan na magsisilbing representante ng bansa sa iba’t-ibang pangrehiyon na torneo. Una nang nadetermina ang anim na sasabak na koponan sa Asia-Pacific matapos ang isinagawang Philippine Series sa Dumaguete  noong isang buwan.

Makakasama ng Northern Mindanao ang kasalukuyang Little League Baseball champion na Tanauan sa pagsabak sa Korea Aspac habang ang Tanauan junior league baseball team at ILLAM senior league baseball squad ay lalahok sa regionals na gaganapin naman sa Saipan.

Ang Negros Occidental Little League Softball at Senior League Softball kasama ang Tanauan junior league softball ay magtatangka naman makatuntong sa World Series sa pagsabak sa regionals sa Singapore.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending