Makapagdya-Japan bang muli? | Bandera

Makapagdya-Japan bang muli?

Joseph Greenfield - May 02, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Arianne ng Teacher’s Village, Diliman, Quezon City
Dear Sir Greenfield,
Dati na po akong nag-work sa Japan at almost five years akong nagpabalik-balik doon at nakaipon naman ako ng malaking halaga. Ang problema nakipag-live-in ako sa isang lalaking iresponsable, sugarol, at babaero kaya ng maubos ang lahat ng ipon ko at pagkatapos iniwan niya ako. Sa ngayon single mom ako at may isang anak na babae na 3 years old na. Minsan tuloy pinagsisihan ko kung bakit ako nakisama sa walang hiyang lalaking iyon na umubos ng aking kabuhayan at pera. Sa ngayon back to zero na ako at balak kong mag-abroad muli, kung papalarin ay sa Japan pero kung hindi naman sa Japan uli ay kahit saang bansa na lang ang mahalaga ay makaipon uli para mabigyan ko ng magandang kinaukasan ang aking kaisa-isanhg anak. Sa palagay nyo makapag-aabraod kaya akong muli at kung muli akong makapag-aabroad kailan kaya ito magaganap? October 28, 1984 ang birthday ko.
Umaasa,
Arianne ng Diliman, Quezon City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Buti na lang may namataang dalawang Travel Line at parang tatlo pa nga sa iyong palad (Illustration 1-1 arrow 1. arrow 2. at 3). Ibig sabihin napaka-laki ng chance na makapag-abroad kang muli, at sa ikalawang pangingibang bansa, may pangako ng mas mabunga at mas masaganang karanasan, pero tama ka maaring hindi na sa Japan.
Cartomancy:
Ang barahang Ace of Diamonds, Eight of Hearts at Ten of Hearts (Illustration 1.), ang nagsasabing bagamat makapag-aabroad kang muli, ito ay hindi pa ngayon magaganap kundi sa susunod pang taong 2018, at sa ibang bansa may bagong love life na mararanasan.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending