Niyanig ng magnitude 4.8 lindol ang Eastern Samar kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-8:31 ng umaga.
Ang sentro nito ay natunton 58 kilometro sa silangan ng bayan ng Guiuan. May lalim itong 21 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Walang inaasahang aftershock at pinsala ang lindol na ito, ayon sa Phivolcs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending