Darating ang tagumpay | Bandera

Darating ang tagumpay

- April 21, 2017 - 11:06 PM

APAT na koponan ang malalaglag kaagad pagkatapos ng 11-game elimination round ng PBA Commissioner’s Cup na nasa kalagitnaan na. O sobra pa nga sa gitna.

Kung titingnan ay tig-anim na games na ang nalalaro ng mga koponan. Puwera lang ang San Miguel Beer at Barangay Ginebra na pinagpahinga matapos na magharap sa Finals ng nakaraang Philippine Cup.

Kapag tinuos mo e hindi naman talaga nagpahinga ang mga iyon, e. Kasi hahabol din naman sila sa bilang ng mga laro ng ibang teams. Nahuli lang silang magsimula sa torneo pero ngayon naman ay panay-panay ang laro nila.

Subalit balewala naman sa kanila kahit na magkumahog dahil sa in-shape naman ang dalawang teams na ito. Kahit sunod-sunod ang mga laro nila, malamang na mas marami sa mga ito ang kanilang mapapanalunan.

Hindi katulad ng mga koponang normal ang schedule. Okay nga ang spacing ng kanilang mga games pero tila hirap na hirap pa rin sila.

Pag tiningnan ang standings, makikitang tatlong koponan ang halos nasa bingit ng elimination at malamang na maagang magbakasyon.

Ito ay ang NLEX, Mahindra at Blackwater. Coincidentally, ang tatlong teams na ito ay ang pinakabatang miyembro ng liga. Sabay-sabay silang pumasok dalawang taon na ang nakalilipas. Expansion teams ang Mahindra at Blackwater samantalang binili ng NLEX ang prangkisa ng Air21.

Nasa ikawalong conference na ang tatlong ito pero tila hindi makabuwelo upang pumanhik sa upper half ng standings.

Actually, angat sana sa kanila ang NLEX kasi establisadong team na ang nabili nito at hindi nagsimula sa wala. Pero nahihirapan ang Road Warriors na mag-adjust sa bago nilang coach na si Joseller “Yeng” Guiao.

Naghihintay lang siguro ng panahon si Guiao at naghahanap ng pagkakataong balasahin ang kanyang koponan at kunin ang mga manlalarong swak sa kayang pamamalakad.

Ang feeling ng karamihan ay nabalahaw lang nang kaunti ang Road Warriors pero kapag nakaahon na sa butas ay tuluy-tuloy na ito. Alam naman ng lahat kung ano ang kalibre ni Guiao bilang coach.

Ang Blackwater at Mahindra ang dapat na pagtiyagaan. Kasi nga ay hindi naman ito nakamana ng isang kumpletong team at nagsimula sa scratch. Kailangan huwag silang mainip o magmadali. Taun-taon ay dapat na mag-ipon sila ng piyesang maganda.

Ganito rin naman nagsimula ang TNT Katropa. Nag-umpisa sa Pepsi/Seven-up. Napunta sa Mobiline at nagsimulang mamayagpag sa ilalim ng Talk ‘N Text. Mahaba rin ang pinagdaanan ng team na ito. Mabuti na nga lang at napakahaba ng pisi ng koponan. Kung maikli, baka maagang umayaw at hindi na nakatikim ng tagumpay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pasasaan ba’t makakatikim din ng tagumpay ang NLEX, Mahindra at Blackwater.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending