TNT KaTropa target ang ika-5 diretsong panalo
Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Alaska vs Phoenix
7 p.m. GlobalPort vs TNT KaTropa
Team Standings: San Miguel Beer (4-0); Meralco (6-1); Alaska (4-1); TNT (4-1); Brgy. Ginebra (3-1); Star (4-2); Rain or Shine (4-2); Phoenix (2-4); GlobalPort (1-4); Blackwater (1-5); Mahidra (1-6); NLEX (0-7)
IKALIMANG sunod na panalo ang asam ng TNT KaTropa habang bumawi sa kabiguan ang tangka ng Alaska Aces sa pagsagupa nito sa magkahiwalay na kalaban sa pagpapatuloy ng 2017 PBA Philippine Cup elimination round sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
Pilit babangon ang Alaska (4-1) sa pagsagupa sa Phoenix Petroleum Fuel Masters (2-4) ganap na alas-4:15 ng hapon bago sundan ng sagupaan ng TNT KaTropa (4-1) at GlobalPort Batang Pier (1-4) alas-7 ng gabi.
Nalasap ng Alaska ang 91-99 kabiguan kontra Meralco kung saan naiwanan ito ng 25 puntos matapos masapawan sa rebounds, 34-60, at mapabayaan ang Bolts sa dagdag na +14 bentahe sa second chance points.
Sariwa naman sa magkasunod na kabiguan ang Phoenix na ang huli ay ang 94-96 pagkatalo sa Rain or Shine Elasto Painters.
“Phoenix is a better team than their record indicates,” sabi ni Alaska coach Alex Compton.
“I thought they were excellent for most of the Rain or Shine game and Rain or Shine just had a great rally at the end. (Jameel) McKay is such an active, aggressive player who really uses his length to his advantage. And Cyrus (Baguio), RJ (Jazul), (Matthew) Wright and JC (Intal) are all playmakers who can both score and create for their teammates.”
Ikinababahala ni Compton si McKay na nag-aaverage ng 23.5 puntos at 18.3 rebounds samantalang sina Baguio, Jazul, Wright at Intal ay may pinagsamang 40 puntos at mahigit sa 14 assists kada laro.
“We will really have to be consistent in guarding them and keeping McKay from absolutely dominating the glass if we want to win this game,” sabi pa ni Compton.
Babalikat sa Aces ang import na si Cory Jefferson na may tournament-high 31.8 puntos at 13.2 rebounds kada laro kasama sina Simon Enciso, Calvin Abueva, Sonny Thoss, JVee Casio at Kevin Racal.
Pilit naman pahahabain ng Tropang Texters sa limang sunod ang pagwawagi kontra sa Batang Pier na hangad na maitala ang pinakaunang back-to-back matapos magpalit ng import na si Malcolm White.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.