UMIRAL na naman ang pagiging mahilig sa chicks ng isang appointed government official.
Ilang buwan pa lamang siya sa kanyang bagong pwesto sa gobyerno ay dalawang magandang empleyado sa kanilang departamento ang napaulat na nililigawan ng ating bida.
Kilalang mahilig itong si Sir, na minsan na ring naharap sa kasong attempted rape at acts of lasciviousness, makaraan niyang dalhin sa loob ng isang motel at paghihipuan ang isang babae na dati niyang kasamahan sa industriya na kanyang pinanggalingan.
Sinabi ng ating Cricket na kaagad siyang nag-request ng mga staff nang siya’y bigyan ng pwesto ng isang cabinet secretary sa kanyang departamento.
Juicy ang posisyon dahil bukod sa mga kontratang kanyang pamamahalaan ay magiging madalas rin ang biyahe sa abroad ni Mr. Usec.
Isang batang empleyado sa kagawaran ang kaagad niyang ginawang executive assistant kaya natural na lagi ito sa kanyang tabi.
Naisama na rin niya sa ilang out-of-town trips ang nasabing empleyada pero hindi umubra ang mga parinig ni Sir dahil meron na itong boyfriend.
Pero talagang pursigido si Sir dahil sa kanyang nakalipas na biyahe mula sa abroad ay marami siyang uwing pasalubong sa kanyang executive assistant.
Bukod sa magandang EA, isa pang magandang empleyada sa kanilang tanggapan ang lately ay pinopormahan ni Mr. Usec.
Pero malaki ang kanyang problema dahil may asawa na pala ang kanyang target, ayon na rin sa aking Cricket.
Dapat nga siguro na maghinay-hinay si Sir sa pakikitungo sa kanyang female staff dahil madalas itong kinakikitaan ng sexual innuendo at hindi ito nakakatuwa.
Ang tinaguriang maginoo pero sobrang bastos na government official sa isang kagawaran sa pamahalaan ay si Mr. C….as in Chika or Chaka.
Gets mo ba kung sino ang bida sa Wacky Leaks ngayong araw? May mensahe ka ba o may gusto kang i-leak? Mag-text sa o kaya ay mag-email sa [email protected]
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.