SWS: Satisfied sa drug war kumonti, pulis hindi nagsasabi ng totoo kaugnay ng pagpatay sa drug suspect | Bandera

SWS: Satisfied sa drug war kumonti, pulis hindi nagsasabi ng totoo kaugnay ng pagpatay sa drug suspect

Leifbilly Begas - April 19, 2017 - 04:00 PM

 

Social Weather Stations

Social Weather Stations

Bumaba ng 11 porsyento ang net satisfaction rating ng drug war ng Duterte government, ayon sa survey ng Social Weather Station.
Ayon sa First Quarter survey ng SWS, nakapagtala ng net rating na 66 ang kampanya ng gobyerno laban sa ipinagbabawal na gamot— 43 porsyento ang very satisfied, 35 ang somewhat satisfied, 10 ang undecided, 6 ang somewhat dissatisfied at 6 ang very dissatisfied.
Sa survey noong Disyembre, ang net rating ng kampanya ay 77 porsyento— 53 porsyentong very satisfied, 32 somewhat satisfied, 7 undecided, 5 somewhat dissatisfied at 3 very dissatisfied.
Sa pinakahuling survey ay nakapagtala ng -8 net rating ang Philippine National Police sa tanong kung “ang kapulisan po ba ay nagsasabi ng totoo na ang mga napapatay nilang suspek ay talagang nanlaban sa kanila?”
Ayon sa mga respondent, 6 porsyento ang nagsabi na talagang nagsasabi ng totoo, 18 ang malamang nagsasabi ng totoo, 44 ang hindi masabi kung nagsasabi ng totoo o hindi, 17 ang hindi malamang nagsasabi ng totoo at 14 ang talagang hindi nagsasabi ng totoo.
Mas mababa ito sa -1 net rating na nakuha ng kapulisan sa survey noong Disyembre— 9 porsyento ang nagsabi na talagang nagsasabi ng totoo, 19 ang malamang nagsasabi ng totoo, 42 ang hindi masabi kung nagsasabi ng totoo o hindi, 13 ang hindi malamang nagsasabi ng totoo at 16 ang talagang hindi nagsasabi ng totoo.
Naniniwala rin ang mga respondent na mahalaga na buhay ang mga suspek na may kaugnayan sa bentahan ng ipinagbabawal na gamot— 66 porsyento ang nagsabi na talagang importante ito, 26 ang medyo importante ito, 5 ang medyo hindi importante at 3 ang talagang hindi importante.
Nangangamba rin ang mga respondent na baka may kamag-anak silang magic biktima ng Extra Judicial Killing.
Nagsabi ang 37 porsyento na talagang sila ay nangangamba, 36 ang medyo nangangamba, 14 ang medyo hindi nangangamba at 13 ang talagang hindi.
Ang survey ay ginawa mula Marso 25-28 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents. Mayroon itong error of margin na plus/minus 3 at unang nailathala sa media partner nitong Business World.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending