Updated:Bus nabangin sa Nueva Ecija: 26 patay, 21 sugatan | Bandera

Updated:Bus nabangin sa Nueva Ecija: 26 patay, 21 sugatan

John Roson - April 18, 2017 - 06:53 PM
nueva ecija Dalawampu’t-anim katao ang nasawi nang mahulog ang pampasaherong bus sa isang bangin sa Carranglan, Nueva Ecija, bago mag-tanghali, ayon sa pulisya. Unang nakarekober ng mga lokal na awtoridad ang 24 na bangkay matapos ang insidente, sabi ni Chief Supt. Aaron Aquino, direktor ng Central Luzon regional police. Martes ng hapon ay umabot na sa 26 ang nasawi at mayroon pang 21 na sugatan, ayon naman sa impormasyong nakalap ng Bandera mula sa Carranglan Police. Dakong alas-9:45 ng umaga pa umano nahulog ang Leomarick bus (AVZ-757) sa bangin sa Sitio Nursery, Brgy. Capintalan, at naiulat lang insidente alas-11:30, ayon sa lokal na pulisya. Binabagtas noon ng bus ang highway, mula Isabela patungong Candon City, Ilocos Sur. Dinala ang mga sugatan sa iba-ibang pagamutan sa San Jose City, Nueva Ecija, at sa Sta. Fe, Nueva Vizcaya, na katabi lang ng Carranglan, ayon sa lokal na pulisya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending