Bongbong Marcos nagbayad ng P36M para sa poll protest | Bandera

Bongbong Marcos nagbayad ng P36M para sa poll protest

- April 17, 2017 - 06:30 PM

Bongbong and Leni

Bongbong and Leni

NAGBAYAD si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng P36 milyon sa Korte Suprema bilang unang bahagi ng kanyang kailangang bayaran para sa kanyang inihaing protesta laban kay Vice President Leni Robredo.

“Galing ako sa Office of the Clerk of Court at ako ay nag-comply sa order na bayaran ang first tranche para sa protest ko. Kahit na merong kaming mga disagreement sa pagkalkula dahil pinagbabayad kami kahit na Semana Santa,” sabi ni Marcos.

Idinagdag ni Marcos na lumipas na ang halos isang taon ngunit hindi pa rin nalalaman ang totoong nanalo sa pagka bise presidente.
“Sana ang ating magigiting na justices ay simulan na ang process sa paghusga kung sino ba talaga ang nanalo sa nakaraang halalan,” ayon pa kay Marcos.
Nauna nang inatasan ng SC, na tumatayo bilang Presidential Electoral Tribunal, si Marcos na magbayad ng kabuuang P66.2 milyon para sa mga precinct na kanyang kinukuwestiyon.
Inatasan naman si Robredo na magbayad ng P15.6 milyon.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending