Pinoy boat capt. pinugutan ng Abu Sayyaf --AFP | Bandera

Pinoy boat capt. pinugutan ng Abu Sayyaf –AFP

John Roson - April 16, 2017 - 08:25 PM
abu-sayyaf Pinugutan ng mga kasapi ng Abu Sayyaf nitong Huwebes Santo ang Pilipinong kapitan ng bangkang pangisda, na kanilang dinukot sa bahagi ng dagat na malapit sa Sulu noong Disyembre, kinumpirma ng militar.Natunugan ng militar ang pagpugot kay Noel Besconde noong Huwebes, pero nakumpirma lang ito matapos makakuha ng video ng insidente at impormasyon mula sa iba pang source, sabi ni Brig. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng Armed Forces Joint Task Force Sulu.

“Verified na ‘to… ang nag-behead grupo ni Sawadjaan,” ani Sobejana, na posibleng tinutukoy ang grupo ni Abu Sayyaf sub-commander Hatib Hajan Sawadjaan.

Naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng hapon, sa kanlurang bahagi ng bayan ng Patikul, aniya.

Matatandaan na dinukot si Besconde at apat pang kapwa niya tripulante noong Disyembre 20, 2016, habang naglalayag sila sa Celebes Sea lulan ng F/B Ramona 2.

Maaaring nagpasya ang Abu Sayyaf na patayin si Besconde dahil sa iniindang karamdaman, bukod sa kawalan ng kakayanang magbayad ng ransom, ani Sobejana.

“Nung tsineck namin sickly na ‘tong tao and considering that they (Abu Sayyaf) are on the move, nakaka-delay sa kanila,” aniya.

Humingi umano ang Abu Sayyaf ng P3 milyon kapalit ng pagpapalaya kay Besconde, ani Sobejana.

Hinahanap pa ng mga tropa ng pamahalaan ang mga labi ni Besconde para maipadala sa kanyang pamilya at mabigyan ng maayos na libing, anya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending