Anak ng dating driver ni Piolo artista na, pumasang anak ni Lotlot sa indie movie
ANAK ng dating driver ni Piolo Pascual si Miguel Bagtas na gumanap bilang isa sa mga anak ni Lotlot de Leon sa pelikulang “1st Sem” from A Kayan Productions & Team Campy Entertainment Release.
Sampung taon daw nagtrabaho ang tatay niya bilang dirver ni Piolo. Nag-resign ang tatay niya because of health reasons.
Bata pa noon si Miguel kaya madalas siyang naisasama ng tatay niya sa mga lakad nila ni Piolo. Pero nagpapaalam daw muna siya kay Piolo kung pwede siyang sumama sa shooting or taping. Agad naman daw pumapayag ang aktor. Madalas ay kasama rin ni Miguel ang tatay niya na natutulog sa kwarto ng mga kasamabahay at driver sa bahay ni Piolo.
“Nakakasama ko po noon sina Moi (personal assistant ni Piolo na nag-aartista na rin) sa bahay ni Piolo.
Kaya bata pa lang po ako marami na po akong nakita na artista. Minsan po nandoon ako sa loob ng dressing room ng mga host sa ASAP. Tapos ipapakilala po ako ni Piolo, na anak ako ng driver niya,” masayang kwento ni Miguel.
Dahil din sa pagsama-sama niya sa tatay niya sa shooting ni Piolo kaya nakuha siya bilang anak ni Joey Marquez sa pelikulang “On The Job.”
“Wala po kasi ‘yung talent. Hindi po ata dumating. Tatay ko po ang nagsabi kung pwede ako na lang. Ayun, nakuha po ako,” kwento pa niya.
Teacher naman ni Miguel sa New Era College ang nagsabi sa kanya na subukan niyang mag-audition para sa pelikulang gagawin ng kaibigan niyang direktor. Ginawa naman ni Miguel at nakuha siya bilang pangalawang anak ni Lotlot na si Jairus.
Ang directors ng “1st Sem” ay sina Dexter Paglinawan Hemedez na nagtapos nng Mass Communication sa New Era College at Allan Michael Jimenez na nag-aral sa UP Diliman ng kursong Statistics.
Pareho silang umattend ng sciptwriting workshops kay Ricky Lee at naging writer sila ng teleseryeng Nasaan Ka Nang Kailang Kita sa ABS-CBN.
Sa ngayon, umani na ng mga international awards ang “1st Sem” gaya sa All Lights India International Film Festival sa India for Best feature Film at sa 50th Worldfest Houston International Film Festival (Texas, USA).
Kaya huwag ninyo imiss ang “1st Sem” sa mga sinehan on April 26. Suportahan natin ang pelikulang Pilipino!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.