Laging Busy ang BF | Bandera

Laging Busy ang BF

Joseph Greenfield - April 16, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Lyka ng Gumaok, San Jose Del Monte, Bulacan
Dear Sir Greenfield,
Noong bago palang kami ng boyfriend ko
every week nagkikita kami at nagde-date pero ng mag-one year na ang relasyon namin napansin kong medyo tumamlay na siya. Sa ngayon ang lagi nyang dinadahilan kaya hindi nya na ako nadadalaw o napupuntahan sa office ay busy daw siya sa work nya, pero dati naman ay hindi siya ganon. Kaya sa ngayon hindi maalis sa isip ko ang maghinala na baka may iba na siyang babae. Sa palagay nyo Sir Greenfield, totoo kayang busy siya sa kanyang work o baka naman hindi niya lang ako talaga mahal? Compatible kaya kami at kami kaya ang magkakatuluyan o dapat na akong makipag-break sa kanya at maghanap na lang ako ng ibang lalaki na bibigyan ako ng sapat na oras at atensyon? August 25, 1994 ang birthday ko at January 30, 1992 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Lyka ng SJDM, Bulacan
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Hindi mo nga makakatuluyan ang kasalukuyan mong boyfriend sa halip panandalian lang ang kasalukuyan nyong relasyon. Ito ang nais sabihin ng Guhit ng Panandaliang Relasyon sa iyong palad (Illustration 1-1 arrow 1.) na tinatawag din nating “fling na relasyon”. Ibig sabihin darating ang mga ilang buwan pa, tuluyan na kayong magkaka-break ng boyfriend mong “bisi-bisihan”.
Cartomancy:
Ang King of Diamonds, Five of Hearts at Queen of Clubs (Illustration 1.) ang nagsasabing, isang lalaking mayaman o may kaya sa buhay ang susunod mong magiging boyfriend na na nakatakda mong makilala sa darating na buwan ng Mayo sa taon ding ito ng 2017.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending