Binay, anak may pilgrimage sa Israel | Bandera

Binay, anak may pilgrimage sa Israel

Leifbilly Begas - April 12, 2017 - 05:26 PM

  jejomar binay Naghain ng magkahiwalay na mosyon ang mag-amang sina dating Vice President Jejomar Binay at anak niyang si dating Makati City Mayor Junjun Binay at hiniling na makapunta sa Israel para sa isang pilgrimage.     Sa mosyon ng nakatatandang Binay sa Third Division ng Sandiganbayan sinabi nito na nais niyang umalis ng bansa sa Mayo 15 hanggang 29.     “Movant seeks the permission of this Honorable Court to allow him to travel to Israel for a spiritually-charged pilgrimage. The aforesaid pilgrimage will be the last one led by Father Francis Gustilo, the former Father Provincial of the Salesian Fathers is also the spiritual facilitator of Movant’s regular Tuesday Bible meetings at the Don Bosco Center in Makati.”     Ayon kay Binay siya ay 75 taong gulang na at mahalaga para sa kanya ang biyaheng ito bilang isang deboto Katoliko.     “To make the occasion worthwhile and memorable, Movant will be joined by his immediate family, notably his wife, Dra. Elenita S. Binay, his children, his grandchildren and in-laws in the faith-filled journey to the Holy Land.”     Binigyang diin din ni Binay ang polisiya ng bansa kaugnay ng pagpapahalaga sa pamilya.     Nahaharap ang dating ikalawang pangulo sa kasong graft, malversation of public fund at falsification of public documents si Binay kaugnay ng maanomalya umanong pagtatayo sa Makati City hall.     Sa Third Division din nakahain ang kaso ng nakababatang Binay kaugnay din ng kontrobersyal na gusali na sinimulan sa termino ng kanyang ama bilang mayor ng Makati at natapos sa kanyang panunungkulan.     Ayon sa kanilang itinerary, aalis ang pamilya Binay sakal ng Philippine Airlines patungong Hong Kong. Mula roon ay sasakay sila ng El Al Israel Airlines patungong Israel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending