Awra waging YFSF kids grand champion
PROUD na proud ang Teleserye King na si Coco Martin sa anak-anakan nila ni Vice Ganda na si Awra Briguela matapos itong tanghaling grand champion sa katatapos lang na Your Face Sounds Familiar Kids last Sunday.
Yes, si Awra nga ang nagwagi sa grand finals ng YFSF Kids na ginanap sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila. Pumangalawa sa kanya si Elha Nympha at ikatlo naman sa resulta ng botohan si AC Bonifacio.
In fairness, sinimulan ni Awra ang YFSF Kids being the first winner kung saan ginulat niya ang madlang pipol bilang si Dionesia Pacquiao at siya rin ang tumapos sa laban with his bonggang impersonation kay Nicki Minaj.
Bilang grand winner, nanalo si Awra ng trophy, medal, house and lot, P1 million at trip for four sa Jeju, South Korea. Napaluhod pa ang Kapamilya child star nang i-announce na ang kanyang pangalan bilang champion.
Mukhang tanggap naman ng madlang pipol at ng mga judges na sina Ogie Alcasid, Sharon Cuneta at Gary Valenciano ang pagkapanalo ni Awra.
Going back to Coco, talagang nag-post pa sa Instagram ng mensahe ang lead star ng FPJ’s Ang Probinsyano para kay Awra.
Sabi ni Coco, “Sobra kaming proud na proud sa iyo dahil napakabait mong bata at sobrang mahal na mahal mo family mo at alam namin lahat na hindi ka magbabago! Mahal na mahal kita!”
Bago pa man ang finals night, hinikayat na ni Coco ang kanyang social media followers na iboto si Awra sa huling shodown ng YFSF Kids.
Balita rin ang ginawang pagtulong ni Vice Ganda sa kanyang anak-anakan sa grand finals ng nasabing reality talent show ng ABS-CBN. At bakit naman hindi, very open naman ang TV host comedian sa pagsasabing parang tunay na anak na rin ang turing niya rito.
Kaya hindi na kami magtataka kung talagang gumastos si Vice sa pamamagitan ng text votes para lang manalo si Awra.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.