3 opisyal ng GSIS lilitisin sa housing anomaly
Tatlong opisyal ng Government Service Insurance System ang kakasuhan kaugnay ng maanomalya umanong pag-apruba sa 544 housing loan na nagkakahalaga ng P296.16 milyon. Ibinasura ng Sandiganbayan Seventh Division ang motion to dismiss na inihain nina GSIS-Tarlac Division Chief 3 Celestino Cabalitasan, property appraiser Ma. Victoria Leonardo, at senior general insurance specialist Jerry Balagtas. Kasama rin sa kaso ang private defendant na si Jose De Guzman. Nagsabwatan umano ang mga akusado at si dating GSIS-Tarlac Field Office branch manager Amado Inocentes sa pagpruba ng 491 loan application sa ilalim ng GSIS Bahay ko Program na nagkakahalaga ng P241 milyon. Hindi umano kuwalipikado ang mga aplikante na pawang mga hindi nasa ilalim ng hurisdiksyon ng GSIS-Tarlac Office. Isa pang kaso ng graft ang isinampa ng Ombudsman para sa 53 loan application na nagkakahalaga ng P52 milyon kaugnay ng Teresa Homes project ni de Guzman. Ang proyekto ay para umano sa commercial purpose kundi sa residential project. Noong Marso ay hiniling ng mga akusado na ibasura ang kaso matapos na magdesisyon ang Korte Suprema na ibasura ang mga kaso laban kay Inocentes dahil sa kabagalan umanong ipinakita ng Ombudsman. “There is no merit to accused movants’ contention that the Supreme Court decision in Inocentes is considered the law of the case, such that the cases against accused movants may now be dismissed on the conclusive finding that their right to speedy disposition were likewise violated,” saad ng desisyon ng Sandiganbayan. “A court ruling generally binds only the parties thereto. Thus, the Supreme Court’s ruling regarding Inocentes’ claim of violation of his right to speedy disposition is limited to him, having raised this issue alone. The rest of the accused did not and are deemed to have waived their right to do so.” Ang reklamo ay inihain sa Ombudsman noong 2004 subalit naisampa lamang sa korte noong 2012. Hindi ginawa ng ibang akusado ang hakbang ni Inocentes na kuwestyunin ang kabagalang ito. 30
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.