Isang mananaya sa Zambales ang nanalo ng P15.9 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola Sabado ng gabi. Ayon kay Alexander Balutan general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo ay tumaya sa Olongapo City. Siya ang nag-iisang nakakuha ng winning number combination na 16-05-15-08-04-20. Umabot sa P14.7 milyon ang halaga ng itinaya sa naturang bola. Nanalo naman ng tig-P12,490 ang 59 mananaya na nakakuha ng limang lumabas na numero. Tig-P220 naman ang 2,674 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 32,034 mananaya na nakatatlong numero. Ang 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado. Samantala, wala namang nanalo sa P110.3 milyong jackpot ng Grand Lotto 6/55. Inaasahang aabot sa P115 milyon ang jackpot sa Lunes ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.