Gov't official adik sa masahe, 'patay-sindi' | Bandera

Gov’t official adik sa masahe, ‘patay-sindi’

Den Macaranas - April 07, 2017 - 12:10 AM

KAKAIBA ang gimik ng isang presidential appointee sa tuwing siya ay dumaranas ng stress sa trabaho.

Ang dating pampalipas oras lamang ngayon ay naging bisyo na niya.

Sinabi ng ating Cricket na kilala sa mga massage clinic lalo na sa Quezon City itong si Mr. Government Official.

Minsan kasi ay inaabot pa nang hanggang sa tatlong beses kung magpunta siya sa mga massage clinic para mag-alis ng stress sa katawan.

Dahil alam naman natin na hindi lang mga masahe ang kanyang lakad sa mga ganung lugar kaya alam na natin na ibang klaseng paglilibang ang ginagawa doon.

Dating elected official ang ating bida pero nang matapos ang kanyang term of office ay hindi naman siya nabakante agad dahil siya’y inilagay sa isang tanggapan na nasa ilalim ng may direktang kontrol ng Office of the President.

Sa halos lahat ng mga massage clinic na kanyang pinupuntahan ay kilalang-kilala na siya sa mga ito.

At halos lahat din ng nasabing mga lugar ay mayroon siyang paborito na kaniig sa oras ng kanyang matinding stress sa katawan.

Palibhasa ay medyo bata pa si Sir kaya mainit pa ang katawan nito, a-yon sa ating Cricket.

Noong siya ay isa pang elected official ay kilala si Sir sa kanyang kayabangan lalo na kapag sumasakay sa mga isyu na hindi naman niya masyadong naiintindihan kahit na ba sabihin na siya ay isa ring abogado.

Ang dati niyang pagkahilig sa mga bahay-aliwan sa Quezon Avenue ay nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan niyang posisyon na malapit pa naman sa sektor ng mga nasa laylayan ng lipunan.

Sinabi pa ng ating Cricket na hindi na rin siya magtataka kung isang araw ay magkaroon ito ng sakit na nakukuha niya sa pagpunta-punta sa mga establisimentong “patay-sindi”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang government official na tambay sa mga bahay-aliwan ay si Mr. R….as in Report.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending