NAKAGAGALIT, kung gagayahin ang sigaw ni Susan Roces sa telebisyon, hinggil sa napakabilis na reaksyon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa pagsadsad ng A320 Airbus ng Cebu Pacific sa Davao International Airport. Hindi pa sinisimulan ang imbestigasyon ay sinisi agad ng matatandang opisyal ng CAAP ang piloto ng Cebu Pacific. Para silang traffic enforcer at imbestigador ng traffic bureau na nagprisinta agad ng krokis ang kaganapan.
Hindi banggaan o self-accident sa kalye ang nangyari na agad na ibabase ang lahat sa krokis at sa marka ng gulong. Hindi ito ang unang pagkakataon na sinisi ng CAAP ang piloto sa pagbagsak ng aircraft gayung hindi pa sinisimulan ang imbestigasyon. Nang bumagsak ang sinasakyang eroplano ni Interior Secretary Jesses Robrero, agad na sinisi ng CAAP ang piloto. Patay ang piloto ng Piper Seneca na si Capt. Jessup Bahinting at hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan ang kanyang bangkay. Nakahahawa nga ang sakit na sisi.
Nagyayabang itong hepe pulisya ng isang istasyon sa Maynila. Bata siya ni Alfredo Lim noon at isang linggo bago ang eleksyon ay bumaligtad siya at nag-Erap. Ngayong may bumubulong kay Erap na dapat alisin siya sa Maynila ay ipinagyayabang naman niya na bata siya ni Isko Moreno at ipagtatanggol siya ni vice kay mayor.
Ang dapat unahin ni Erap na balasahin ay ang pulisya. Sa Baseco, Isla Puting Bato, Magsaysay, Vitas at iba pang bahagi ng Tondo, may punto na kaya ganyang ang mahihirap ay dahil sa bugok na mga pulis.
MULA sa bayan (i-text sa 0917-8446769): Sir Lito, di dapat isabak ang bagitong mga sundalo sa Sulu. Sana iyong mga abusadong pulis sa Tacurong City ang isabak dito. Matatapang lang sila sa sibilyan. Sila ang sumisira sa magandang pangalan ng Philippine National Police. …4028
Sir Lito, ibig ko lang iparating sa PCSO. Noon, tig-P10 ang taya sa lotto, P4-P5 milyon ang dagdag kung walang nakakuha. Ngayon, P20 na ang taya, P4-P5 milyon pa rin ang dagdag. Bakit ganoon? Tapos, ibinaba pa nila ang consolation prize. May amomalya pa rin ba tulad ng panahon ni GMA? JOGN ng Sultan Kudarat
Sir Lito, sino ba ang author ng partylist na ito? Dito nauubos ang pera ng Pilipinas. At marami pa sa kanila ay komunista. …1182
Sir Lito, five months na ngayon ay wala pa ring reaksyon si Postmaster General Josie de la Cruz sa mga hinaing na nag-avail sa rationalization program ng ahensiya. Wala kaming natanggap na mga benepisyo at incentives galing sa ahensiya.
Sir Lito, bakit wala nang dating ang mga balita sa susunod na laban ni Manny Pacquiao? Ako po ay sumali sa Pac-Marga-Mosley callout ninyo. Rex, ng Barangay Estaka, Dipolog City.
MAY alam ka bang katiwalian sa isang sangay ng gobyerno? Ikaw ba’y hiningan ng pera habang naglalakad ng papeles sa ahensiya ng gobyerno? O may alam ka bang opisyal ng gobyerno na may ibinabahay na iba? May reklamo ba kayo sa mga pulis? May ibinabahay bang ibang pamilya ang pulis sa inyo? Parati ba siyang galit sa pera? O adik na ba siya?
Tulungan natin ang pamahalaan na linisin ang kanilang hanay. Tulungan din nating mapigilan ang katiwalian sa gobyerno. Sumulat sa Tropang Bandera, MRP Plaza bldg., Pasong Tirad corner Mola st., Makati City. Lakipan lamang ng Bandera logo with date ang inyong liham. O, i-text sa 0917-8446769
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.