SUMULAT po ako sa inyo upang makapag-tanong sa PVAO tungkol sa aking ama na dating war veteran. Ako po si Angelina Rosales, pangalawa sa panganay na anak ng yumao kong mga magulang na sina Alejandro Pelipada Rosales at Antonia Zulueta Rosales. Namatay na rin kasi po ang panganay na kapatid ko. Bale ako na po ang tumatayong panganay sa ngayon. Ayon po sa record sa masterlist sa provincial office ng PVAO Lopez, Quezon, napasama po dun ang pangalan ng aking ama na si Alejandro P. Zulueta, pero hangang ngayon po ay di pa na-min na claim dahil nag dadalawang isip po kami dahil patay na nga po ang tatay namin. Meron po ba kaming karapatan at meron po ba kaming rights to claim the benefits of our father? Ano po ang dapat gawin? Maraming salamat po sa Aksyon Line at PVAO. Mabuhay po kayo!
Ang inyong masugid na mambabasa,
Angelina Z. Rosales
REPLY:
Dear Ms. Rosales,
Batay po sa aming records, wala pong claimant o applicant ng anumang benepisyo para sa mga beterano ang nakapangalan sa inyong ama na si Alejandro Pelipada Rosales o sa inyong ina na si Antonia Zulueta Rosales.
Dahil pumanaw na po silang dalawa, ta-
nging Educational Benefit na lamang po para sa isang direct descendant ng World War II veteran ang maari ninyong makuhang benepisyo.
Kung kayo po ay may mga dokumento na ka-tulad ng mga nakalista sa ibaba, maari po kayong makipag-ugnayan sa Philippine Veterans Affairs Office, Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City.
EB Requirements if there is no existing application by veteran and/or spouse:
1. Proof of military service:
a. officially transmitted Military Service Record from NRD-OTAG
b. Enlistment Record
c. Report of Separation from the Philippine Scouts
2. Original and certified true copy and photocopy of marriage certificate of the veteran
3. Original birth certificate of the veteran’s child
4. 2×2 ID picture
5. School credentials
6. Original death certificate of the veteran (if deceased)
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag-
lingkuran sa abot ng aming makakaya. Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected]. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.