Charice malaya na, walang paki kung mawasak ang career | Bandera

Charice malaya na, walang paki kung mawasak ang career

Cristy Fermin - June 06, 2013 - 08:05 AM

charice

Ngayon na lang namin naiintindihan ang mga pangyayaring nasaksihan namin nu’ng batambata pa si Charice Pempengco. Hindi naman ang kanyang Mommy Raquel ang kasama-sama niya nu’ng sumasali pa siya sa mga amateur contests, kundi ang kanyang lola sa ina, ang kanyang Nanay Tessie. Nu’ng sumali siya sa Little Big Star ng Dos kung saan si Sam Concepcion ang nag-champion at pumangalawa lang si Charice ay madalas silang magtalo ng kanyang lola sa dressing room.

Ayaw kasing isuot ni Charice ang mga damit na tinatahi ng kanyang lola, magaganda ang mga damit na ipinasusuot sa kanya, pero pumapadyak si Charice kapag ipinasusukat na ‘yun sa kanya.

Kaya naman pala. Nu’n pa lang pala ay meron nang kakaibang nararamdaman si Charice. Sa ganu’n kabatang edad ng international performer ay ramdam na pala niya na isa siyang siyokoy at hindi sirena.
Ngayon nga ay lantad na ang kanyang kasarian. Sa isang coming out party na kasabay ng selebrasyon ng kanyang kaarawan ay inamin ni Charice sa lahat ng kanyang mga bisita na isa siyang tibo. Babae rin ang kanyang hanap, ayaw niya sa lalaki, dahil may puso siyang lalaki. Ipinakilala niya ang kanyang karelasyon, isang babae rin na tulad niya, isang reaksiyon na naiintindihan naman ng mas nakararami nating kababayan.

Sabi ng isang kaibigan naming sumasaludo kay Charice, “Ito lang ang masasabi ko, napakatapang ng batang ‘yun dahil hindi naman simple ang pagharap sa isang katotohanan, lalo na kung kilalang-kilala ka.

“Di hamak namang mas matapang si Charice kesa sa ibang mga kalalakihan diyan na alam mo nang bading, pero deadma lang, dahil natatakot silang maapektuhan ang kanilang career sa gagawin nilang pag-amin,” sabi nito.

Kaya ang nagkakaisang sigaw ng mga kababayan nating humahanga sa katapangan ng magaling na singer, “You’re the man, Charice!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending