Mestisong aktor magaling mag-alaga kaya sunod lahat ng luho sa dyowang bading
MATAGAL nang palaisipan para sa mas nakararami kung totoo bang karelasyon ng isang tisoy at guwapong personalidad ang isang ipinakikilala niyang kaibigan? Kaibigan o karelasyon?
Madiing-madiin kasi ang pagkakasabi ng tisoy na aktor, magkaibigan lang sila ng isang gay businessman, pero madalas naman silang magkasamang bumibiyahe sa ibang bansa.
Pagkontra ng kanyang mga kasamahan ay anong klase ng pagkakaibigan kaya meron sila, relasyong talagang magkaibigan lang o pagkakaibigang may nakukuha ang tisoy na aktor sa negosyanteng mayaman, anoooooo????
Ang tisoy na aktor ang naging kuwentuhan sa isang malaking umpukan isang gabi. Puro mga becki ang nandu’n. Tinilad-tilad ng mga ito ang mga kadramahan ng guwapo at tisoy na aktor.
Kuwento ng isang source sa umpukan, “Hindi na bago ang pakikipagrelasyon niya sa becki. At magaling siyang pumili, ha? ‘Yung comfortable siya. Hindi naman siya ‘yung tipong super-user talaga, pero marunong siyang mag-balance ng mga bagay-bagay.
“Alam niya kung anong relasyon ang papasukin niya, alam niya kung magiging financially secure siya sa partner niya, marunong siya sa buhay pero hindi masyadong obvious ang mga atake niya!
“Simple lang siya, hindi mo mapapansin na may advantages na pala siyang nakukuha. Bago na ang car niya, maayos ang buhay ng pamilya niya sa probinsiya, pero hindi napi-feel ng gay businessman na umaandar na ang galing niya,” kuwento ng aming impormante.
Mabait daw kasi ang tisoy na aktor. Maalaga rin sa partner niya. ‘Yun ang katangian niyang hanggang ngayon ay hindi makakalimutan ng isang gay businessman na naging karelasyon niya nang mahabang panahon.
“Kaya ‘yung relasyon kuno nila ng isang girl, e, malayo sa katotohanan. Nag-uumigting na nag-ilusyon lang sa kanya ang girl na ‘yun! Puwede ba?
“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kumbaga sa isda, e, hindi siya pumapatol sa mga tilapia, balyena, as in, balyena ang type niya!” pagtatapos ng aming impormante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.