Ateneo Lady Eagles lumapit sa twice-to-beat advantage | Bandera

Ateneo Lady Eagles lumapit sa twice-to-beat advantage

Angelito Oredo - March 26, 2017 - 10:00 PM

Mga Laro sa Miyerkules
(Filoil Flying V Centre)
8 a.m. NU vs UP (men)
10 a.m. UST vs DLSU (men)
2 p.m. FEU vs UE (women)
4 p.m. DLSU vs UST (women)

SINIGURO ng Ateneo de Manila University Lady Eagles ang pakikipaglaban para sa twice-to-beat advantage sa Final Four matapos nitong biguin ang Adamson University Lady Falcons, 25-13, 25-13, 25-11, Linggo sa eliminasyon ng UAAP Season 79 women’s volleyball tournament sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Sinamantala ng Lady Eagles ang pagkawala ng pangunahing scorer ng Falcons na si Jema Galanza para bumangon sa nalasap nitong limang set na kabiguan kontra National University Lady Bulldogs at patatagin ang kabuuang record sa 10 panalo at 2 talo para muling kapitan muli ang solo liderato.

Hindi ininda ng Ateneo ang pagkawala ni head coach Tai Bundit na umuwi sa Thailand para asikasuhin ang personal na bagay upang paglaruan ang Lady Falcons na hindi nakasama si Galanza matapos na magkulapso sa laro noong Huwebes upang maipalasap ang ika-12 nitong sunod na kabiguan.

Samantala, nanatiling palaban ang University of the Philippines Lady Maroons sa Final Four matapos igupo sa apat na set ang NU Lady Bulldogs, 25-14, 25-27, 25-21, 25-12.

Umiskor sina Katherine Bersola, Maria Lina Molde at Diana Carlos ng tig-14 puntos para pamunuan ang Lady Maroons na umangat sa 7-5 kartada.

Gumawa si Jaja Santiago ng 18 puntos para sa Lady Bulldogs.

Hindi rin nagpaiwan ang naghahangad sa ikatlong sunod na titulo na Blue Eagles matapos nitong biguin ang University of the East Warriors sa straight sets, 27-25, 25-19, 25-14, upang mangailangan na lamang ng dalawang panalo upang walisin ang eliminasyon para sa awtomatikong silya sa kampeonato.

Tanging ang NU at De La Salle University ang mga koponan na nakaharang sa daanan ng nagtatanggol na kampeon na Ateneo para agad na makatuntong sa ikalawang sunod na taon sa best-of-three na kampeonato.

Nanatiling perpekto ang kartada ng Ateneo sa loob ng 12 laban habang dinagdagan ang diretsong pagwawagi nito sa kabuuang 26 simula pa nakaraang taon.

Nagtala ang 3-time Most Valuable Player na si Marck Espejo ng 13 kills, limang block at isang service ace para sa kabuuang 19 puntos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending