Jim Paredes inireklamo ang pagbabanta ni Erwin Tulfo, dapat daw parusahan ng TV5 | Bandera

Jim Paredes inireklamo ang pagbabanta ni Erwin Tulfo, dapat daw parusahan ng TV5

Cristy Fermin - March 27, 2017 - 12:30 AM

jim paredes at erwin tulfo

ABA, may panawagan ang singer-composer na si Jim Paredes na ipasuspinde rin ang matapang na news anchor na si Erwin Tulfo sa kanyang programang “Punto Asintado”, napapakinggan ang programa tuwing umaga sa Radyo Singko.

Ang kuda ng singer ay pinagbantaan daw kasi siya ni Erwin Tulfo, sinabi raw ng palabang broadcaster na mag-ingat siya, dahil baka isang araw ay bigla na lang siyang masagasaan, mabugbog at masaksak.

Sa palagay nami’y hindi napakinggan mismo ni Jim Paredes ang episode kung saan tinalakay ni Erwin Tulfo ang ginawa niyang pambabastos sa isang grupong dumalo sa EDSA Revolution anniversary.

Pinagpistahan sa social media kung ano ang kanyang ginawa, dinuru-duro niya ang mga kalalakihang maka-Pa-ngulong Rodrigo Duterte, maraming nagalit kay Jim nang dahil du’n.

‘Yun mismo ang buod ng kuwento, tinalakay ni Erwin ang pangyayari, sinabi nito na huwag masyadong kampante si Jim Paredes dahil baka isang araw ay may mangyari sa kanya na siguradong hindi niya magugustuhan.

Kung tutuusin ay pabor pa nga kay Jim ang mga pinakawalang salita ng broadcaster, may malasakit pa nga ito sa kanya, kaya ano itong kampanya niya at panawagan na ipasuspinde rin si Erwin Tulfo nang dahil sa pagbabanta sa kanya?

Ang totoo ay magkaiba ang kanilang kulay-pulitika. Kung solidong Dilawan si Jim Paredes ay maka-Duterte naman si Erwin Tulfo.

May kani-kanya silang paninindigan at paniniwala, manindigan siya, hindi ‘yung ganyan na nagsusumbong siya sa publiko para sa pagpapasuspinde kay Erwin Tulfo!

Iyakin?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending