PSC tutulong pa rin sa SEA Games hosting pero…
HINDI kakaligtaan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagsuporta sa nakatakdang pagho-host ng Pilipinas sa ika-30 edisyon ng kada dalawang taon na Southeast Asian Games (SEAG) sa 2019.
Subalit tanging ang mga accountant lamang ng ahensiya ang makakasama ng mag-oorganisang pribadong organisasyon na Philippine Olympic Committee (POC) sa ikaapat na pagho-host ng bansa sa pang-rehiyon na multi-sports na torneo.
“We at the PSC are committed to the SEA Games, Asian Games and the Olympics,” paliwanag ni PSC chairman William “Butch” Ramirez patungkol sa nakaatas sa batas.
“Pero hindi kami makikialam sa hosting dahil kanila (POC) iyon. Bahala na sa kanila ang aming mga ipapadalang accountant.”
Ikinasama ng loob mismo ni Ramirez ang mga pahayag ng POC na ayaw ng pribadong asosasyon na makialam ang ahensiya ng gobyerno sa pagpapatakbo ng sports sa bansa habang nilimitahan din ang responsibilidad nito sa una nito nakasanayan na pagbibigay lamang ng ‘funding’.
“Those statements simply put the demarcation line,” sabi pa ni Ramirez, na siyang huling naging chef de mission ng Pilipinas na nagawang itala ang kasaysayan sa pagsungkit sa pinakauna nitong pangkalahatang kampeonato sa paghohost nito ng torneo noong 2005. Una nang nag-host ang Pilipinas ng SEA Games noong 1981 at 1991.
“Bahala sila sa SEAG. We are only committed to fund athletes that will compete in the SEA Games, Asian Games and Olympic Games,” paglilinaw ni Ramirez.
Nakatuon din si Ramirez sa posibleng pagkakaresolba sa matagal nang unliquidated account ng POC sa pagho-host ng bansa noong 2005 kung saan nakabinbin pa rin sa Commission on Audit ang mahigit na P250 milyon na ginamit mula sa pondo ng ahensiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.