Bungo natagpuan sa gubat | Bandera

Bungo natagpuan sa gubat

- March 22, 2017 - 05:54 PM
pangasinan map Natagpuan ang bungo, na pinaniniwalaang sa isang matandang lalaking nawala noon pang nakaraang taon, sa isang masukal na bahagi ng Bolinao, Pangasinan, Martes ng hapon. Nadiskubre ng isang magsasaka ang bungo sa Sitio Pansur, Brgy. Tupa, dakong alas-5:30, ayon sa ulat ng Pangasinan provincial police. Nagtatabas ng puno ang magsasaka nang mapansin ang bungo kaya ipinaalam ito sa mga opisyal ng barangay, na siya namang nag-ulat sa pulisya. Inangkin na ng 65-anyos na si Isabelita Fabro, residente ng Brgy. Tupa, ang naturang bungo dahil sa paniniwalang ito ay sa kanyang nawawalang mister. Sinabi sa pulisya ng lola na naniniwala siyang ang bungo ay sa nawawalang mister na si Armando Fabro, dahil pareho ang dalawang ngipin nito sa kabiyak. Nawala ang 73-anyos na si Armando noon pang nakaraang taon at naiulat ito sa mga awtoridad Hunyo 9, 2016. Sinabi pa sa pulisya ng kanyang misis na dumaranas si Armando ng Alzheimer’s disease, kaya posibleng naligaw sa gubat.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending