KINUHA ng Pocari Sweat ang serbisyo ng Bosnian middle blocker na si Edina Selimovic bilang isa sa dalawa nitong import upang mas lalo pang mapalakas ang tsansa nito sa ikalawang sunod na titulo sa Philippine V-League (dating Shakey’s V-League).
Magbubukas ang ika-14 season ng liga na isang Reinforced Conference sa Mayo.
Ang power-hitting Serbian na may taas na 6-foot-3 ay dumating nitong Lunes upang agad na makasama ang Lady Warriors’ sa una nitong pagsasanay ngayong taon, ayon kay team manager Eric Ty.
“She (Selimovic) will be a big addition to our team as we try to shoot for a third championship in the PVL,” sabi ni Ty, kung saan ang koponan ay nagwagi sa Reinforced at Open Conferences sa nakalipas na taon.
Sinabi ni Ty na ang isa pa nitong import ay nakatakdang dumating bagaman hindi pa nito inihayag ang pangalan.
“She’s an American outside spiker and like Edina, she will be an important piece of the championship puzzle for us,” sabi nito.
Kinuha rin ng Pocari ang dating NCAA Finals MVP na si Jaenette Panaga ng St. Benilde, Jessie de Leon ng Uniersity of Santo Tomas at Fille Cainglet Cayetano ng Ateneo. —Angelito Oredo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.