Maymay, Edward totohanan na ang relasyon, labs na raw ang isa't isa | Bandera

Maymay, Edward totohanan na ang relasyon, labs na raw ang isa’t isa

Ambet Nabus |March 19,2017
facebook
share this

Maymay, Edward totohanan na ang relasyon, labs na raw ang isa’t isa

Ambet Nabus - March 19, 2017 - 12:05 AM

edward barber at maymay entrata
NAKAKAALIW pala talaga sina Edward Barber at Maymay Entrata o MayWard para sa supporters nila sa PBB Lucky Season 7.

Last Wednesday ng hapon habang nagmemeryenda kami sa Max’s Restaurant sa may Roces Avenue nang biglang makita ng anak naming si Neeyong ang guwapong si Edward kasama ang ilang mga kaibigan.

Nagulat na lang kami ng aking mga kasamahan nang hindi agad bumalik sa table namin si Neeyong dahil hayun na pala ang bagets at nakikipagtsikahan na sa MayWard.

Inihatid nina Maymay at Edward si Neeyong sa table namin sabay puri at pakilala at sinabing, “aliw na aliw” sila sa kadaldalan ng bagets. “We would like to meet you po,” sey ni Edward sa amin without any pretensions. Kaya naman nagulat pa ito nang magpakilala din kami bilang anchor sa DZMM at umaasang very soon ay makakapag-guest sila sa show namin.

Kuwela ang MayWard lalo na si Maymay na matangkad pala at may kakaibang appeal. Inggit na inggit kami sa napakaliit nitong bewang na kahit i-times three mo yata ay hindi pa aabot sa sukat ng waistline namin. Ha-hahahaha!

“Nakaka-touch po ang kuwento ng anak ninyo tungkol sa mama niya. Nice meeting you po. Ang galing ninyo,” sey ni Maymay sa amin.

“I remember my neighbors back in Germany. I used to babysit my neighbors. They are so fun to be with. You’ve got a smart one. I love kids, like him. Cute,” sundot naman ni Edward.

Sandali kaming nagchikahan habang palipat-lipat ng yakap si Neeyong sa dalawa. First time namin silang nakaengkuwentro dahil sa TV lang nga namin natutunghayan ang very good friendship nila na tila mauuwi na nga sa totohanan.

Edward is only 16, while 19 naman si Maymay at aminado naman sila pareho na more than friends na ang nararamdaman nila para sa isa’t isa.

We advised them na kung magpapatuloy sila ng showbiz career nila ay dapat mag-focus muna sila rito at gawing inspirasyon ang “something” na meron sila.

“Masarap maging bagets, pero mas masarap yung lagi kang inspired para sa mas malalaking goals sa buhay at yung love ay isa lang dito,” habol pa namin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa totoo lang, ramdam naming hindi for the show ang anumang meron sila. Bagay na bagay sila at sobra nilang komportableng kausap. No wonder, kahit tapos na kaming nakakain nina Neeyong ay nagawa pa nitong balikan ang dalawa at makipagchikahan dito na akala mo’y totoong mga ate at kuya niya.
May mga projects na ring naka-line up para sa MayWard kaya get ready na mga fans!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending