Semifinals tutumbukin ng Cignal HD Spikers
Mga Laro Ngayon
(Muntinlupa City Sports Complex)
5 p.m. Sta. Lucia vs Generika-Ayala
7 p.m. Cocolife vs Cignal
Team Standings: Petron (4-0); Cignal (3-1); Foton (2-2); Generika-Ayala (1-2); Cocolife (1-3); Sta. Lucia (0-3)
IPOPORMALISA ng Cignal HD Spikers ang pagtuntong nito sa semifinals sa pagsagupa sa Cocolife sa Belo-Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference Sabado sa Muntinlupa Sports Complex.
Asam ng HD Spikers ang ikaapat nitong panalo upang makasama ang pahinga na Petron Blaze Spikers sa susunod na round ng prestihiyosong torneo ng mga club team.
Una munang magsasagupa sa ganap na alas-5 ng hapon ang Generika-Ayala na pilit pagagandahin ang record nito sa pagsagupa sa Sta. Lucia na hindi pa nakakatikim ng panalo sa tatlong laro.
Matapos malasap ang limang set na kabiguan sa kamay ng Petron, tila natauhan ang Cignal matapos nitong talunin ang Generika-Ayala sa apat na set, 26-24, 23-25, 26-24, 25-14, noong Huwebes.
Nagpakitang gilas ang national team pool members na sina Jovelyn Gonzaga at Rachel Anne Daquis kasama sina Honey Royse Tubino at Cherry Vivas para sa HD Spikers sa pagtala sa 45 attack points ng Cignal.
“It’s still a long way to go,” sabi ni Cignal coach George Pascua na aminado sa koponan na “still a work in progress.”
“While we’re glad to make it to the semis, we still have to work hard on both ends and develop winning chemistry. Marami pa kailangan ayusin, especially if we want to make it to the semis. We’re still adjusting,” sabi pa ni Pascua, na hinatid ang Petron sa makasaysayang 13-0 sweep sa PSL All-Filipino Conference dalawang taon na ang nakaraan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.