Babangon ang Alaska Aces | Bandera

Babangon ang Alaska Aces

Barry Pascua - March 17, 2017 - 11:00 PM

KUMUHA ng mas batang backcourt man at nagdagdag ng matangkad na manlalaro si coach Alex Compton papasok sa PBA Commissioner’s Cup na nagsimula kahapon sa Araneta Coliseum.

Ipinamigay ng Alaska Milk ang dating Gilas Pilpinas cager na si Rafael Joey Jazul sa Phoenix Fuel Masters kapalit ng Fil-Am na si Simon Enciso na nasa ikalawang taon lang niya sa liga.

Bale dalawa na ang Fil-Ams niya sa backcourt. Nauna rito ay pinapirma niya ng kontrata ang dati nilang practice player na si Abel Galliguez na gaya ni Enciso ay napili noong 2015 draft. Medyo masikip nga lang ang lineup kaya hindi kaagad nasabak si Galliguez na dating naglaro sa Cagayan Valley sa D-League.

Idinagdag ni Compton sa kanyang roster ang 6-foot-7 na si Yutien Andrada na nagbuhat naman sa Globalport. Si Andrada, na noong naglalaro sa kolehiyo ay kinakatakutan bilang isang shot blocker, ay hahalili pansamantala sa puwesto ni Nonoy Baclao na hanggang ngayon ay may injury.

Matagal nang injured si Baclao. Hindi nga ba’t sabay silang nagtamo ng injury ni Sonny Thoss ilang games lang matapos magsimula ang season. Nakabalik na si Thoss pero nagtagal si Baclao. Kung nakapaglaro si Baclao sa quarterfinals baka nabago ang outcome ng nakaraang Philippine Cup.

Puwes, iyon ang nais na ma-achieve ni Compton — makarating sa Finals ng Commissioner’s Cup.

Noong nakaraang season ay umabot nga sila sa Finals pero dinaig ng Rain or Shine na nagwagi sa anim na laro.

Ang biruan nga noon ay baka maka-Grand Slam ang Aces. Grand Slam sa second place. Kasi nga ay sumegunda rin sila sa San Miguel Beer sa Philippine Cup. Kung muli silang sumegunda sa Governors’ Cup, e di Grand Slam nga!

Pero di sila umabot sa finals ng third conference e.

Ngayon nga, sa ikatlong taon ni Compton bilang coach ng Alaska Milk ay nabigo ang Aces na marating ang Philippine Cup finals. So medyo masakit iyon. Malaking letdown na maituturing.

Ang huling piyesa ng Alaska Milk para sa second conference ay ang import na si Corey Allen Jefferson. Kamakailan lang ito dumating subalit mukhang pasado kaagad siya sa pagkilatis ni Compton, ng kanyang mga assistants at ng management.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tingnan natin kung makakabangon nga ang Aces sa kanilang pagkakasadlak. Kasi nga parang hindi pangkaraniwan na mawala sa semifinal round ang Aces.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending