Intel cop patay sa salpukan ng motor | Bandera

Intel cop patay sa salpukan ng motor

John Roson - March 17, 2017 - 06:11 PM
BUKIDNON Patay ang isang pulis nang sumalpok ang sinakyan niyang motor sa isa pa, habang nagsasagawa umano ng intelligence operation sa Manolo Fortich, Bukidnon. Nasawi si PO2 Robert Mandar, ng Manolo Fortich Police, habang dinadala sa ospital, ayon sa ulat ng Bukidnon provincial police. Sugatan naman ang driver ng isa pang motor na nakilala bilang si Bobby Nioda. Naganap ang insidente dakong alas-3:40 ng umaga Huwebes sa bahagi ng Sayre Highway na sakop ng Brgy. Diclum. Nagsasagawa si Mandar ng “intelligence monitoring” operation habang tinatahak ang direksyon patungong Brgy. Tankulan, nang ang sinakyan niyang Honda XR 150 ay nasalpok ng kasalubong na Suzuki Smash (8254-KV) ni Nioda, ayon sa ulat. Kapwa naka-helmet sina Mandar at Nioda, pero sa lakas ng impact ay kapwa sila nagtamo ng pinsala, pati ang kanilang mga motor. Isinugod si Mandar sa Bukidnon Provincial Hospital Annex ngunit dineklarang patay ng doktor, habang si Nioda ay dinala sa Camp Phillips Hospital.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending