Lesbian singer tanggap ng pamilya pero bawal pa ring makipagrelasyon sa babae | Bandera

Lesbian singer tanggap ng pamilya pero bawal pa ring makipagrelasyon sa babae

Reggee Bonoan - March 17, 2017 - 12:10 AM

KAYE CAL

KAYE CAL

SA album launching ng bagong singer na si Kaye Cal o Karen Jade Cal sa tunay na buhay, ay pahulaan ang mga katoto kung tunay itong babae o miyembro ng LGBT community. Boses lalaki kasi si Kaye at parang tunay na lalaki kung gumalaw.

Kaya naman sa question and answer segment ng presscon ay ito agad ang tanong kay Kaye na dating miyembro ng Ezra Band na sumali sa Pilipinas Got Talent Season 1 noong 2013.

“I’m a lesbian po, I’m proud that I’m a member of LGBT,” sabi ni Kaye.

Inamin niya na marami siyang struggles sa magulang niya dahil nga hindi tanggap ang gender niya, parehong Christians ang kanyang parents, “Nahirapan din po ako, grabe ang pinagdaanan ko, I shed a lot of tears, maraming bawal po na naganap.

“Sa ngayon po, medyo accepted na pero ayaw nila ng same sex relationship. Parang okay lang sa kanila if I wear clothes na pang-guys, crossed dress, okay lang sa kanila, pero when you say relationships, ayaw nila,” aniya pa.

Sa madaling salita ni minsan ay hindi naranasan ni Kaye na magkaroon ng karelasyon, “Ay nagkaroon naman na, mga 9 na po,” natatawang sagot ng baguhang singer.

Hala, nakasiyam pala si Kaye na hindi alam ng magulang niya, “Oh my God, sana hindi mabasa ng mommy ko ito,” tumawang hirit ng singer.

Umaasa pa ba ang mommy niya na someday ay magkakaroon din siya ng sariling pamilya at magka-baby eventually? “Hindi namin napag-uusapan, eh. May apo na siya, so ‘yun na lang. Pero kung galing sa akin mismo, wala naman silang sinasabi,” sagot nito.

Personally, wala bang planong magkaroon ng anak si Kaye, “Wala, adopt siguro.”

Paano kung may lalaking magpatibok ng puso niya, “Hindi natin alam kung anong mangyayari, puwede naman. May transwoman nga di ba, pero ang gusto niya, girl pa rin, basta sa love, go,” natawang sagot nito.

Wala rin siyang crush na artista, “Idol po siguro, hindi guy crush, sina Piolo Pascual and Jericho Rosales at si Lee Min Ho,” masayang sagot ni Kaye.

Samantala, natagalan bago naisip ni Kaye na magkaroon ng album, “After po kasi ng PGT, siyempre nasa banda pa ako, parang hindi ko pa alam kung ipu-pursue ko ba (singing career) o babalik na lang ako sa Davao. After kong makapag-isip, nakapag-decide na akong i-pursue, doon na ako nag-decide to work with Star Music,” kuwento ng baguhang mang-aawit.

Siyam na awitin ang nakapaloob sa self-titled album ni Kaye Cal at apat dito ang sinulat niya tulad ng “Mahal Ba Ako Ng Mahal Ko”, “Rosas”, “Walang Iba” at “Isang Araw.” Kasama rin dito ang version niya ng “Ikaw Lang” ni Chad Borja, “Why Can’t It Be” ni Rannie Raymundo, “Kung Ako Na Lang Sana” sinulat ni Soc Villanueva na kinanta nina Maya at Michael Pangilinan at “Give Me A Chance” mula kay Odette Quesada at ang original song na sinulat ni Aries Sales na “Nyebe” (snow).

Bukod kina Jonathan Manalo at Rox Santos ay kasama rin si Kaye bilang producers ng album. Kuwento ni Rox kaya natagalan si Kaye magkaroon ng album, “Noong time kasi ng 2013, pino-produce ko ‘yung album ni Daniel Padilla na ‘DJP’, may isang song kasi ro’n na sinulat si Kaye noon sa PGT na ‘Walang Iba’, ipinarinig at ipinagawa namin iyon kay Daniel.

“Si sir Roxy (Liquigan) na head ng Star Music ay tinatanong niya kung nasaan na si Kaye kasi we’re trying to license the song. Tapos pinahanap siya ni sir Roxy kasi naniniwala talaga sa kanya, gandang-ganda talaga si sir Roxy sa boses niya, hanapin daw namin at si Jonathan ang nakahanap sa kanya.
“So kung papayag siyang ipa-license ‘yung kanta niya for Daniel, isabay nang i-meeting for a certain project. So doon namin pinasok sa OPM hits na Isang Araw, hanggang sa nagtuluy-tuloy na at naging finalist siya sa Himig Handog and then pumasok sa We Love OPM and we decided na gawan na siya ng solo album, so iyon ang kuwento niya,” kuwento ni Rox.

Ano ang edge niya sa mga kabarong sina Aiza Seguerra at Charice na napakagaling ding mga singers? “Siguro po, kakaiba kasi hindi the usual na girl or boy, ‘yung voice ko, minsan nako-confuse ‘yung mga taong nanonood at nakikinig, feeling ko, naging advantage po siya,” paliwanag ni Kaye.

Sa anong paraan gusto ni Kaye na matawag siya, she or he, “Shem!” tumawang sagot nito, sabay sabing, “She pa rin kasi hindi pa naman ako trans (gender).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan si Kaye sa mall shows niya para sa promo ng kanyang self-titled album under Star Music.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending