Mocha pasok sa pulong ng Army leaders | Bandera

Mocha pasok sa pulong ng Army leaders

John Roson - March 15, 2017 - 05:53 PM

MOCHA USON

MOCHA USON

Kinumpirma ng Army Miyerkules ang pag-imbita kay Movie and Television

Review and Classification Board (MTRCB) board member at sexy dancer Margaux “Mocha” Uson sa pulong ng mga pinuno nito. Kinumpirma ni Col. Benjamin Hao, tagapagsalita ng Army, ang imbitasyon matapos kumalat sa social media ang kopya nito at umani ng batikos. Sa imbitasyong nilagdaan ni Army chief Lt. Gen. Glorioso Miranda, inimbitahan si Uson para maging “resource speaker” sa Senior Leaders’ Conference na gagawin sa Fort Bonifacio mula Marso 20 hanggang 21. Imbitado rin si Uson, ang kilalang lider ng sexy dance group na “Mocha Girls,” sa fellowship dinner na gaganapin pagkatapos ng ikalawang araw ng pulong, na itinuturing na “highlight” ng ika-120 anibersaryo ng Army. Pakay ng pulong na maging bukas ang kaisipan ng mga dadalo sa iba-ibang gawaing may epekto sa national security, sa pamamagitan ng “intellectual discourse,” ani Miranda. Tatalakayin sa pulong ang mga isyu tungkol sa seguridad, kakayanan ng militar, at ang mundo ng impormasyon, aniya. Inaasahang dadalo sa pulong ang 180 senior leaders ng Army at iba pang “special guest,” ani Miranda. Ipinaskil din ni Uson ang imbitasyon sa social media, at ipinamukha sa kanyang mga “dilaw” na basher at mga “troll” na nag-aakusa sa kanya ng pagpapakalat ng pekeng balita. “‘Yan kasi ang level ng senior leaders nila (Army)” at “Ano kaya ang ituturo niya (Uson) doon?” sabi ng ilang bumatikos sa imbitasyon. Ayon kay Hao, inimbita si Uson para magbahagi ng mga ideya tungkol sa paksang “The Challenges of a Social Media Personality.” Inimbita rin sina Pompee La Vina at Abe Olandres para sa usapan tungkol sa naturang paksa tungkol sa social media, aniya. Sampung paksa ang tatalakayin sa pulong, kung saan inimbita ang mga resource person para sa iba-ibang kasanayan na may epekto sa national security, ani Hao. Inimbita ng Army si Uson para ibahagi ang mga karanasan bilang blogger na may 4.8 milyon liker, aniya. Matatandaang sumikat si Uson noong huling bahagi ng 2000s sa pamamagitan ng isang blog kung saan siya nagpapaskil ng impormasyon at mga video tungkol sa sex. May lumabas pa ring parehong content sa kanyang mga account kamakailan, bagamat marami sa kanyang mga post ngayon ay tungkol na sa kanyang pagsuporta kay Pangulong Duterte, pagbatikos sa administrasyon at tauhan ni dating Pangulong Benigno Aquino III, at pag-atake sa mainstream media at kanyang mga basher.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending