Sikat na female personality mukhang pera, matagal nang nanloloko ng mga producer | Bandera

Sikat na female personality mukhang pera, matagal nang nanloloko ng mga producer

Cristy Fermin - March 14, 2017 - 12:15 AM

BLIND ITEM FEMALE 0415

 

PURO halakhakan ang maririnig sa isang malaking umpukan. Ang dami-dami kasing nag-share ng mga anekdota tungkol sa isang pamosong female personality na nagpapakontrobersiyal ngayon.

Ang magkakaharap pa naman ay nakatrabaho nang matagal ng babaeng personalidad, kilalang-kilala na ng mga ito ang ugali ng female personality, kabisado na nila ang mga atake ng girl.

Kuwento ng isang miron, “Naku, dati na niyang ginagawa ang ganyan! Kapag may nang-iimbita sa kanya para sa isang fiesta, ang palalabasin niya, e, meron nang nakakuha sa serbisyo niya, nag-downpayment na nga raw!

“Ganu’n ang pinasasabi niya sa representative niya, sarado na ang schedule niya, pero ang totoo, walang katotohanan ‘yun! Fishing lang sila sa budget, sa totoo lang!

“Kunwari, mas malaki ang offer ng bagong promoter, ang sasabihin ng representative ng girl, titingnan niya kung ano ang magagawa niya.

“Pagbalik ng kausap ng promoter, ang sasabihin niya naman, ginagawa raw nila ang lahat, tatawagan daw sila agad kapag nakausap na nila ang naunang promoter.

“Natural, ang isasagot naman ng promoter, e, magbabayad na sila in full, ibibigay na nila ang kumpletong talent fee ng girl, hindi basta downpayment lang.

“‘Yun na ‘yun! Makukuha ng promoter ang girl, full payment na agad ang ibibigay niya, walang kaalam-alam ang promoter na wala naman siyang kaagaw sa serbisyo ng kinukuha niyang performer!

“Nakakaloka sila, di ba? Ganu’n na ang gimik nila kahit nu’n pa! Naku, ilang beses na ba nilang ginawa ang ganyan? Kung alin ang mas malaking offer, ‘yun ang tinatanggap nila,” kuwento ng source.

“Saka, ‘yung dramang pa-emote-emote niya, naku, Aling Gracing, bulok na ang saging! Style nila, bulok! Kaya Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, napakadaling hulaan kung sino ang pamosong female personality na ito!” pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending