Sino’ng nagrekomenda kay Cesar Montano? | Bandera

Sino’ng nagrekomenda kay Cesar Montano?

Ramon Tulfo - March 14, 2017 - 12:10 AM

SINABI ng aking espiya sa Malakanyang na dinalaw ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andy Bautista ang Palasyo at masinsinang nakipag-usap kay Pangulong Digong.

Ano ang naging sadya ni Bautista sa Presidente gayong matagal nang natapos ang eleksiyon?

Hmmmmm.

***

Napunta ba ang pag-uusap ng dalawa sa mga bali-balita—na nanggaling mismo sa loob ng Comelec—na ang nakalap ng kandidato na si Rodrigo Duterte ay 21 milyong boto, sa halip na 16 milyon?

Totoo, wala nang saysay na pag-usapan ang mga bali-balitang yan dahil nanalo na naman si Digong, di ba?

Pero hindi dapat natin balewalain ang mga ito alang-alang sa malinis at tapat na eleksiyon sa hinaharap.

Kung may katotohanan ang bali-balita na si Digong ay nagkamit ng 21 milyong boto, sa halip na 16 milyon, maaaring ang nanalo sa pagka-bise presidente ay si Bongbong Marcos at hindi si Leni Robredo.

***

At ano naman ang isa pang bali-balita—na nanggaling pa rin sa mga taga Comelec—na si Bautista ay gusto nang magbitiw bilang Comelec chairman at naghahanap ng ibang puwesto sa gobiyerno?

Kung totoo ito, napag-usapan kaya ang nabanggit noong dumalaw ng sekreto si Bautista sa Palasyo kamakailan?

***

Isang poster ang nakasabit sa isang government office na dinalaw ko ang nakasulat na:

Rules of the house.
Rule No. 1: The Boss is always right.
Rule No. 2: When in doubt (kung tama o mali ang Boss)
refer to Rule No. 1.

Dapat basahin ng mga miyembro ng Gabinete ang “rules of the house” ng maraming beses upang maisaloob ito.

***

Kung hindi ako nagkakamali, noong Pangulo pa si Joseph “Erap” Estrada, pinagalitan niya ang isang adviser na nag-iinsista na siya’y nagkamali sa kanyang isang public pronouncement.

Pinagsabihan niya ang nasabing adviser: “Mag-presidente ka muna bago mo pilitin na mali ako.”

And yet, the adviser didn’t announce to the public that Erap was wrong; sinabi lang niya ito sa kanya in confidential.

***

Finance Secretary Sonny Dominguez at Presidential Legal Adviser Sal Panelo, basahin ninyo ang sumusunod:

Contrary to what many think or believe, President Duterte listens to advice. But it must be given in a manner that neither humiliates nor embarrasses him in public (Uulitin ko sa Pilipino: Pero kailangang ibigay ang payo na malalagay siya sa kahihiyan sa publiko—RT) Otherwise, one risks stirring a hornet’s nest. To paraphrase Philip Dormer Stanhope, Earl of Chesterfield, advice is seldom welcome because those who are perceived to need it the most like it the least.

Ang kataga sa itaas ay hindi po sa akin.

Ang mga ito ay isinulat ni Assistant Executive Secretary Melchor V. Quitain sa column na pinamagatang View From the Palace na lumabas sa INQUIRER kahapon.

Ito pa ang mga sinabi ni Quitain sa kanyang column:

“At the risk of being repetitious, I say that advice must be given with care so that it does not irritate the President.

“The President need not be told twice. He listens, he remembers and he acts accordingly and appropriately. In rare instances, it may take some time for him to act, but act he will.

“That has always been his norm of conduct during the almost 16 years that I was privileged to work as a public official in Davao City under his leadership.”

Maliwanag na ang pinasasaringan ni Quitain ay sina Dominguez at Panelo.

Malalaman ninyo kung ano ang tinutukoy ko sa mga darating na araw.

***

Inireklamo ng kanyang mga tauhan sa Tourism Promotions Board (TPB) ang aktor na si Cesar Montano, chief operating officer o COO ng nasabing tanggapan.

Marami raw maanomalyang mga kontrata ang ipinasok nito sa TPB, isang ahensiya na sangay ng Department of Tourism.

Isa sa mga pinakagarapal na mga anomalyang ginawa raw ni Montano ay ang kontratang P11.2 milyon sa Carat Philippines na nag-perform siya kasama ang kanyang mga pamangkin para sa nasabing kompanya.
Isa pang garapal na ginawa raw ni Montano ay ang pag-release ng P16.5 milyong pondo para sa rally kay Pangulong Digong noong Feb. 25 sa Luneta kung saan binayaran siya upang mag-perform sa rally.

Sino kayang gago ang nagrekomenda kay Presidente kay Montano?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ano naman kasi ang alam niya tungkol sa turismo?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending