P25 umento sa wage earner sa Western Visayas OK na | Bandera

P25 umento sa wage earner sa Western Visayas OK na

Liza Soriano - March 08, 2017 - 12:10 AM

MAGANDANG balita. May karagdagang P25 sa arawang sahod ng mga manggagawa sa Western Visayas.

Nagpalabas ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng wage order na nag-aatas ng karagdagang P25 sa arawang minimum na sahod sa nabanggit na rehiyon.

Nagsagawa ang RTWPB ng public consultation at hearings matapos magsumite ng petisyon ang Philippine Agricultural, Commercial and Industrial Workers’ Union (PACIWU)-TUCP sa DOLE Region VI noong Agosto nang nakaraang taon na naging dahilan upang magbigay ng karagdagang sahod.

Ang pagtaas ng sahod ay inaprubahan ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) noong Pebrero 17 at magkakaroon nang bisa 15 araw matapos itong maipalathala sa lokal na pahayagan.

Sakop ng bagong Wage Order No. 23 ang mga manggagawa sa pribadong sektor na tumatanggap ng minimum na sahod sa anim na probinsiya ng rehiyon na binubuo ng Iloilo, Antique, Aklan, Capiz, Guimaras at Negros Occidental.

Sa commercial at industrial sector, ang mga establisimentong may mahigit 10 manggagawa ay makatatanggap ng karagdang P25 samantalang ang mga kompanyang hindi lalampas sa 10 manggagawa ay makatatanggap ng karagdagang P15.

Sa agrikultura, parehong tatanggap ng karagdagang P15 ang mga manggaggawa sa plantation at non-plantation.

Hindi naman sakop ng bagong wage order ang mga kasambahay at ang mga nagbibigay ng personal na serbisyo, dahil sila ay sakop ng Wage Order No. RBVI-D.W. 1 na inisyu ng RTWPB noong Disyembre 2015.

Hindi rin sakop ng bagong wage order ang mga manggagawa sa mga rehistradong Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs).

Director Salome
O. Siaton
OIC –Regional
Director
DOLE VI

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending