Piolo kay Inigo: Noon baby pa siya, ngayon pwede nang magka-baby! | Bandera

Piolo kay Inigo: Noon baby pa siya, ngayon pwede nang magka-baby!

- March 07, 2017 - 12:05 AM

inogo piolo

UMAASA si Piolo Pascual na maraming tatay ang manonood ng bago niyang pelikula, ang “Northern Lights: A Journey To Love” kung saan makakasama niya ang magaling na aktres na si Yen Santos at ang isa sa mga pambatong child star ng ABS-CBN na si Raikko Mateo.

Habang ginagawa raw kasi nila ang movie na kinunan pa sa New Zealand ay talagang ang naiisip nila ay ang mga amang talagang ginagawa ang lahat para sa kanilang mga anak. Ayon kay Papa P, ang kuwento ng pelikula ay hindi rin nalalayo sa naging sitwasyon nila noon ng kanyang anak na si Inigo Pascual.

Hindi naman daw 100 percent hango sa tunay nilang buhay ni Inigo ang istorya ng “Nothern Lights”, pero may mga eksena raw dito na nakaka-relate siya bilang tatay.

“I instantly felt personal nang mabasa ko yung script, because it’s not that I went through with my son pero sabi ko, medyo malapit sa situation ko from before and paborito ko kasi yung ‘Pursuit of Happyness’ (Hollywood movie) ni Will Smith before and I’ve been looking for a concept na puwede nating i-play up between a father and a son.

“Yung mga nangyayari ngayon, yung mga nalalayo rin sa mga pamilya nila. So, sabi ko I just wanted to do something real, something more relatable to the audience kaya nung ipinitch sa akin and even when I got the script, napakatotoo niya,” pahayag pa ni PJ, na isa rin sa mga producers ng movie (Spring Films), along with Regal Entertainment and Star Cinema.

Hirit pa ng aktor, “Totoong nangyayari sa buhay natin so that drew me closer to the project and working with Direk Dondon Santos, working with Yen and Raikko. It’s fun to work with people for the first time na you share the same passion and I’ve always wanted to work again with Mother Lily Monteverde and Miss Roselle Monteverde and the chance to shoot abroad, bonus na ‘yon.”

Sa nakaraang presscon ng “Northern Lights”, nilinaw ni Piolo na bata pa lang si Inigo ay nagkakasama na sila pero hindi raw ganu’n kadalas dahil nga sa Amerika pa ito nakatira, “I’ve always known him around but I was in the States. So nung pag-uwi ko, magwa-one year old pa siya. Baby pa (siya noon), ngayon puwede nang magka-baby.

“Even at work, magkasama pa rin kami sa trabaho, sa ASAP every Sunday so mas nakabuti pa yung pag-uwi niya dito.

Nakakasama ko siya, nagagabayan ko, I thought kasi sabi ko it’s gonna be hard for him especially to be in the business kung nasaan din yung tatay niya tapos hindi mo maiiwasan na ipag-compare pero what’s good about it, my son is really talented, he’s creating his own path, he has his own niche.

“Happy ako kung anuman yung tinatahak niya and at the same time, I’m very proud kasi masipag na bata saka mabait,” chika pa ni PJ.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending