MOCHA USON
KUNG ilalathala man namin dito ang naganap sa recent board meeting ng MTRCB when its minutes are supposed to be confidential, therefore ay mahigpit na ipinagbabawal, anong kaibahan nito sa blog ni Mocha Uson whose recent post about her gripes toward her co-members ay inilabas niya without sitting down and threshing out the issues?
Hindi na namin babanggitin ang aming source, but the inside info is that, sa wakas ay sinipot ni Mocha ang itinakdang adjudication kaugnay ng kanyang reklamo involving the two shows of ABS-CBN.
Sa wakas, dahil noon palang kauupo ng bagong chairman na si Ms. Rachel Arenas ay absent si Mocha. Whatever her reason for her absence ay hindi malinaw.
Pero ang maganda, sa pagsipot na ‘yon ni Mocha sa adjudication—kung saan present ang ilang kinatawan ng mga programang inirereklamo nito—ay nagkaroon ng linaw ang lahat. Even our source agreed with Mocha’s stand, dangan nga lang at mas nauna pa niyang isinumbong ito sa kanyang blog.
Quoting our source, “May point naman si Mocha, eh. It’s just that she should have first brought up her concern with the board para napag-usapan namin. Kaso, kapag uma-attend naman siya ng meeting, tahimik lang siya. Ang hindi namin alam, marami pala siyang iniisip na basta na lang niya isusulat sa blog niya.”
Kinlaro rin ng aming source ang kaibahan ng classification na PG at SPG (Parental Guidance at Strong Parental Guidance). Totoo naman daw, pag-amin ng aming source, that there are gray areas pagdating sa pagka-classify ng mga panoorin.
“Pero ‘yung sinasabi ni Mocha na kung hindi rin lang nasusunod ang SPG, eh, mabuti pang tanggalin na lang daw ‘yon. Sorry, but it’s not easy as it seems na basta na lang aalisin ‘yon because bago na-impose ‘yang guideline ‘yan, eh, pinag-usapan ‘yan.
“Even the past chairmanships had deliberated on that. Ano ‘yon, dahil gusto ni Mocha na alisin ‘yon, eh, ganu’n-ganu’n lang? Dumaan ‘yon sa proseso kaya if Mocha wants SPG out, then it also has to through a process.”
Pero ang mas matinding obserbasyon ng aming kausap stems from the perception ng mga kasamahan ni Mocha sa nasabing ahensiya. “Sa totoo lang, even ‘yung mga bagong appointees na kasabay niya, inis na rin sa kanya! How much more ‘yung mga dinatnan na niya roon? Feeling nga nila, Mocha wants us all out of the board para siya ang maghari-harian!”
What causes collective anxiety among them ay ang strange quiet daw ni Mocha. “Hindi namin alam what she’s up to, really. Is she just sitting at the board meeting to fish every information she can get because of her hidden agenda?”
Ayaw pang paawat ang aming source nang dumako ang aming usapan sa idinoneyt na unang sahod ni Mocha sa DSWD as she promised before her appointment. “Natatawa na lang kami. Sabi niya P60,000 plus ‘yung sahod niya which she withdrew from an ATM. Teka, magkano ba ang maximum withdrawal sa ATM sa isang araw? Eto pa, sabi pa niya, ‘yung sukli raw sa ipinamili niya ng grocery para sa DSWD, eh, part of that, eh, ibinigay pa niya sa isang scholar. Teka, kaya nga tinawag na scholar, ‘di ba, dahil walang gastos sa school?” buntong-hininga na lang ng aming unimpeachable source.