Gusto ng makaahon sa kahirapan | Bandera

Gusto ng makaahon sa kahirapan

Joseph Greenfield - March 05, 2017 - 12:05 AM

Sulat mula kay Sophia ng Pahinga, Candelaria, Quezon
Dear Sir Greenfield,
Mahirap lang po ang buhay naming sa probinsiya. Pito kaming magkakapatid at ako ang panganay na puro kami hindi nakatapos ng pag-aaral. Kaya ng may nanligaw sa akin nag-asawa na lang ako agad, pero imbis na guminhawa ang buhay, mahirap din ang buhay ng napangasawa kong lalaki at masiba pa sa alak. Sa ngayon namamasukan akong katulong upang buhayin ang walo naming mga anak. Gusto ko ng makaalis sa kahirapan at pangarap ko rin maiahon sa kahirapan ang aming mga anak. Sa ganitong kalagayan ng aming buhay may pa-asa pa kayang umasesno at makaahon man lang sana kami sa kahirapan. January 8, 1972 ang birthday ko.
Umaasa,
Sophia Quezon Province
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kung nagkakatulong ka lang sa ngayon, mahihirapan ka ngang makaa-ahon sa kahirapan, subalit kung susundin mo ang pinapagawa sa iyo ng malinaw na Business Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin sa pagnenegosyo ka uunlad hanggang sa tuluyan ng makakaahon sa kahirapan.
Cartomancy:
Queen of Diamonds, Queen of Clubs at Jack of Diamonds ang lumabas, (Illustration1.). Ang mga baraha ang nagsasabing may tutulong sa iyo upang kayo ay makapagsimula ng isang maliit na negosyo ngunit sadya naming mapapalaki mo ito. Ang tulong na nabanggit ay mula sa mag-asawang mayaman o may kaya sa buhay na nakatakdang mangyari sa taon ding ito ng 2017.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending