Oportunidad sa bansa mula sa jeepney phase-out | Bandera

Oportunidad sa bansa mula sa jeepney phase-out

Ira Panganiban - March 03, 2017 - 12:10 AM

NOONG nakaraang Lunes ay isang malawakang transport strike ang ipinatupad ng Stop and Go Coalition at iba pang asosasyon ng jeepney drivers sa bansa bunga ng planong phase-out ng jeepney at pagpapalit ng mga ito ng mas makabagong E-Jeepney.

Ayon kay Jun Magno, pinuno ng Stop and Go Coalition, masyadong mahal sa P1.4 milyon ang binibentang e-jeepney na balak ipalit sa mga lumang jeepney.

Nakakatakot pa umano dahil may mga insidente na nagliliyab at nasusunog ang mga e-jeepney.

At totoo naman na mahal talaga ang mga e-jeepney sa kasalukuyan at hindi pa stable ang technology na ito.

Idagdag pa natin na hindi rin marunong mag-alaga ng e-jeepney ang mga ordinaryong driver at ginagawa itong parang cell-phone na kung i-charge ay buong gana habang sila ay natutulog kaya nag-iinit at nasusunog ang mga ito, at makikita natin na medyo malayo pa sa mainstream use ang electric vehicle technology kung public transport sa bansa ang gamit nito.

Mas mahusay na solusyon ang lapitan ang mga local cars manufacturers na siyang maglabas nang kapalit ng lumang jeepney na compliant sa lahat ng requirements ng pamahalaan.

Tutal ay nandiyan na rin ang ilang mga sasakyan na ginagamit sa public transport tulad ng Innova at Urvan para sa tinatawag nating FX Taxi.

Kausap natin noong Lunes si Mr. Osamu Masuko, ang pinuno ng Mitsubishi sa buong mundo at tinanong natin siya kung kaya nila gumawa ng sasakyan na maaring ipalit sa jeepney sa halagang mas mababa sa P1 milyon.

Ayon kay Masuko, kung ang numero ay “sizeable enough” ay malaki ang posibilidad na kayanin nila ito.

Kinausap din natin ang ilang opisyal ng Toyota, Nissan at iba pang mga car companies na may katulad na produkto at sila ay nagsabing kakayanin nila ito.

Sa kasalukuyan ay nasa mahigit 50,000 na jeepney ang maaaring palitan ng phase-out program sa Kalakhang Maynila at aabot sa 200,000 na jeepneys sa buong bansa.

Tinitingnan din ng pamahalaan na aabot sa 400,000 – 500,000 ang kailangan palitang jeepney sa proseso.

Ayon sa mga car companies, sa ganito kalaking bilang, kakayanin na nilang bumuo o mag-
manufacture ng mga kotse sa bansa gamit ang mga plantang itatayo nila dito para lamang sa proyektong ito.

Sa employment sector naman, ilampung libong Pilipino ang mabibigyan ng trabaho sa mga planta ng kotse at mga allied industries na itatayo, tulad ng parts producers, kapag ito ang direksiyon na tinahak ng pamahalaan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Subalit kailangan ng united effort mula sa mga sangay ng pamahalaan tulad ng DoTr, DTI, DENR at automotive sector at transport sector para mabatid ang pangaraop na ito tulad nang nangyari sa Thailand na pinakamalaking automobile
producer at exporter ngayon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending